Showing posts with label Macro. Show all posts
Showing posts with label Macro. Show all posts

Thursday, February 18, 2010

Litratong Pinyo: Batik/Mantsa

4 comments
.
Litratong Pinoy Entry
.

.
Isang magandang araw po ng Huwebes muli... Sa ngayon ang aking maibabahagi sa themag Batik/Mantsa ay ang aking isa sa alagang
Guppy.
Ang mga batik sa bahagi ng kanyang buntot at palikpik ay nakaka-akit at nagbibigay din nang kanyang pagkakakilanlan sa mga kauri niyang guppy...

Thursday, February 11, 2010

Litratong Pinoy: Iyo (yours)

2 comments

Litratong Pinoy Entry

.
Magandang araw po ng Huwebes sa lahat... Ang thema sa araw na ito ay "IYO"... Ang aking maibabahaging litrato ay ang isdang ito...

Habang nagiikot kasi ako noon ay nakakita ako ng isang aquarium may kamurahan at kagandahan kung kaya't napabili ako upang ilipat na ang aking mga gold fish at guppies... kinabukasan ay dinala ko ang mga naging anak nila Dwarfen at Traxex (Dwarf Hamster) sa pet shop upang maibenta... Habang ako ay nagmamasid may mga fighting fish na umagaw ng aking atensyon at napagmasdan ang kanilang magaganda at matitingkad na kulay... Siguro ay inakala ng mayari ng Petshop na gusto ko ito kung kayat nasabi niyang "If you want take it... it's your's for free"... Aba! Di na ako tumanggi, free weh! Hehehehehehe...

Thursday, May 22, 2008

LP# 8 TUBIG

10 comments
Ang bilis ng mga nagdaang araw... Tila di ko napansin na ngayon ay araw na naman pala ng Huwebes. Kahit medyo abala, nais kong ipaskil ito upang makalahok ulit sa Litratong Pinoy... Ang tema naman po sa ngayon ay Tubig... Ang isa sa may pinaka importanteng bahagi na bumubuo sa mundo, hayop, halaman at sang katauhan... Halos 71% ng mundo ay binubuo ng katubigan at gayon din sa kabuuan nang mga likhang namumuhay dito...
Tubig...

Ang susunod pong mga kuha ay noong nakaraang taon pa (2007) nang kami ni master ay pumasyal sa lugar nila Pareng Tirso sa Antipolo.... Halos mahigit tatlong oras namin tinawid ang dalawang bundok sa kahahanap lamang ng talon... Sa kasawiang palad, hindi namin ito natunton sa kadahilanang aabutan na kami ng takip silim at nakalimutan din naming mag-baon ng tubig na pamatid uhaw sa aming paglalakbay... Kasalanan ito noong Ale sa may Hanging Bridge.... Ang sabi malapit lang daw! Eh, Dalawang bundok na ang aming natawid, wala parin ang talon... Hanggang sa lumabas na kami sa isang bayang patungong Montalban at pabalik ng Marikina...

Si master habang hingal na hingal at naghuhugas sa dumadaloy na tubig mula sa Bundok... Kailan kaya mauulit ang ganitong paglalakbay? Sa susunod ay amin nang sisiguraduhing may dala-dala kaming pamatid uhaw....

Tuesday, May 6, 2008

Kenko Extension Tube (For Canon EOS EF/EFS)

1 comments
Again, I asked masterbetong another favor to buy me this new gadget of mine. Matagal ko nang gustong bumili nitong Kenko Eextension Tube even though hindi ko pa nasusubukan gumamit nito and really I don’t have any idea how to use it… So while browsing in Phipo, I saw and read the forum of Bones that he was on sell of this Kenko Extension Tube and exactly for canon users, kaya without hesitation, I replied to him and asked for reservation. Then I emailed masterbetong to inform him about this and check this extension tube for me... Ang bait-bait talga ni master, ‘coz after nya yata mabasa yung email ko nag text na agad sya kay Bones at tinanong kung available pa... Luckily meron pang available kung kaya’t pinabili ko na agad kay master kahit na wala pa akong ipinapadalang bayad sa kanya... That’s how good master is... Then, inihabol pa nya kay Pareng Tirso upang maisabay sa pag-balik dito... And ito naman si Pareng Tiro, paglabas na paglabas palang yata nang eroplano sa Dammam ay tumawag na agad sa akin... Just to inform me na dala na nya yung pinabili ko and he was so eager to bring it to me on that same day... Parang hindi napagod sa biyahe, and take note... Pass 10pm na sya nakarating nang Dammam and he will be travel for almost 1 hour from Dammam to Jubail... Kaya pass 11pm na sya nakarating sa Jubail then ibinaba lang nya yata ang mga baggage nya and inihatid na nya sa amin yung pinabili ko plus the pasalubong... Sarap naman nang may mga ganitong kaibigan and I am very thankful for that...

Anyway, back to this extension tube... Hindi ko pa sya gaanong natutu-tukan but I tried it on some objects... Here are some of my shots...



Those shots was taken using my SIGMA 105mm Macro lens with 3 extension tubes, hand held with 45 degree bounce flash... Sorry if I forgot to take note of the exif.



Theses shots naman was taken using my SIGMA 70-200mm APO Lens with 3 extension tubes hand held with 45 degree bounce flash...
.
Medyo nakakahilo syang gamitin and hindi ko pa na-try using single and different combinations of extensions and lenses... I guess this will make me more busy and isa na naman ito sa aking paga-aralan at page-experimentuhan... I hope magaya ko na yung mga shots ni idol macro master
Arbil...

Wednesday, April 23, 2008

LP #4 Hugis ay Pahaba

19 comments
Ang aking pong isasali ngayon sa Litratong Pinoy na ang kategoya ay tungkol naman sa mga bagay-bagay na pahaba… Sa pagkakataong ito ang akin pong ibabahagi ay ang mga sumusunod…

Kutsara at Chopsticks

Ito po ay kuha sa isang restaurant dito sa Gitnang Silangan na kung saan paminsan-minsan ay aming pinupuntahan upang magkaroon ng pagtitipon…

Antenna ng Television

Ang aktwal ko pong kinukuhanan dito ay ang mga grupo ng mga ibong nasa kabilang bakod nang aming tinutuluyan… Sa kadahilanang ang thema ngayong lingo ay tugkol sa mga bagay na pahaba, akin pong napuna ang antenna dito kung kaya’t isa ito sa aking isinali…

Fuse

At ang huli ko pong ibabahagi ay ang aking pagkakakuha sa isang maliit na pundidong fuse na gamit sa speaker… Ito po ay napundi sa kadahilanang hindi sinasadyang pagsaksak sa 220 boltaheng kuryente nang aking kasambahay…

Friday, April 11, 2008

Litratong Pinoy #2: Tatlo ang sulok ko

2 comments
Ito ang aking unang pagsali sa kasiyahan nang blog na ito... At sadya ngang nakaka-guluhanan ang unang paglahok ko dito... Noong nabasa ko ang site na ito na nakapaskil sa blog ni masterbetong ay dali-dali kong inalam kung paano sumali... Pagkatapos kong alamin ang kanilang mga alintuntunin ay dali-dali kong kinuha ang aking kamera at naghagilap nang kung ano-anong bagay na may hugis tatsulok, at ito ang ilan sa aking mga napagkatuwaang kuhanan...

Ito ay ang tatak nang zune na gawa ng microsft... Ito pa ay kuha sa kable ng charger kung kaya't kapansin-pansin po mga gas-gas nito...




Napansin ko rin ang hugis na tatsulok dito sa aking laruang Hot Wheels kaya nagustuhan ko rin kuhanan upang maisali ko rin...

At ang huli ko pong ibabahagi ay ang hugis tatsulok na napansin ko sa likod nang baryang sampung piso... Medyo binago ko po ang kulay upang bigyang pansin ang hugis tatsulok...

Tuesday, April 1, 2008

Coke Zero

3 comments
Just want to share my shots of new Coca-Cola Zero... Wala lang magawa kung kaya't pinag balingan ko nang pansin ang lata and bottle cap nang coke... Since kasi noong naging available ito sa market... Almost everyday bumibili ako around 3 to 5 cans medyo nagustuhan namin ang taste kaya napapadalas ang pag inom nito... Then ito nga ang naka-kuha nang aking atensyon kung kayat ginawa kong subject... Using my two F2.8 sigma lens (SIGMA 105mm F2.8 EX DG MACRO and my new SIGMA 70-200mm F2.8 II APO EX DG MACRO HSM) but the result was almost the same... Hirap talaga mag self study, lalo na sa photography, hindi ko magawa ang gusto kong result noong shots ko... Anyway, here are some of my shots...


It took me maybe more than 30 minutes para lang ipatong yung can sa cap and maibalance sya... No adhesive been used, sadyang mano-mano and tiyaga ang aking ginawa... Sulit naman and for me okay naman ang composition... Sana nga lang ay bilin nang Coca-Cola Company yung mga shots ko and gawing poster for their adds... Hehehehe... Wish ko lang!

Wednesday, March 12, 2008

Butterfly Haven

1 comments


Well well well... At last! I can post now some of my shots at Butterfly Haven... I’ve been busy po kasi lately and don’t have enough time to create this post... Well it was during my vacation last month and before mag end ang bakasyon, Me and my kids together with their cousins, Kuya Mario, Tatay and Tita Bunso were there last 25th of February 2008. Holiday po kasi that time and a day before ina-aya na ako ng aming chikitng na mag swimming... Well of course! Why not!?Minsan lang ako mag-vacation no!? And plano ko po talagang mag swimming kami... Early morning palang that day, excited na ang mga bata and actually 6:00am palang ay gising na ang mga chikiting and nagyayaya na... So I packed all we need and go... The entrance is costing P100.00 per head including kids 6 yrs. old above... Medyo expensive pero sulit naman and okay ang facilities... Then when you want to go inside the butterflies sanctuary you need to pay P75.00 per head... Kaya sinulit ko rin ang entrance ko! So when I enter the sanctuary, I started looking around for some butterflies and while preparing my gear I saw one butterfly that I guess is new and just came out from her cocoon... It’s nice to see that one, for me... It's their way of saying welcome...




The place has three pools, one is with fountains at the middle and good for kids the other one is for adults which maybe 5 ½ feet in deep and the other one is also for kids where they enjoy a lot... It’s like a semi U shape formation and in the middle are the tables where you can stay and leave your things... I guess it’s free of charge ‘coz when we were there, no one is asking us to for additional payment so it better than renting a nipa hut that will cost you additional P500.00. There is also rooms for those who want to stay overnight and this one now is very affordable ‘coz it just cost P1,000.00 per night. You can check in at the afternoon and leave at noon.



So those are the shots of swimming pools and on the last photo is the rooms where you can stay overnight... Nice diba!? Anyway, here are the rest of my shots of butterflies and flowers around the area...
The Butterflies...



Garden inside the sanctuary... and shots of some flowers...

There you are... Natapos din! I guess this post was the longest post I've made... Since after lunch at the office, I started doing this and now ko lang sya natapos... Whhheeeewww... Ika nga sa kasabihan... Kung walang tiyaga, walang Kabsa!... este Nilaga...

Statistics

Add to Technorati Favorites

Followers

Powered By Blogger
 

E S P I Y A N G ~ M A N D I R I G M A. Copyright 2010 All Rights Reserved