Monday, September 18, 2017
VGod Pro150
Labels: Gadgets, GeekVape, Kwentong Disyerto, Medusa RDTA, Photography, Vape, VGod
Thursday, May 5, 2011
Dunhill Switch
Labels: Adds, Bisyo, Branded, Cigarette, Dunhill, Kwentong Disyerto, Photography
Tuesday, December 7, 2010
Endo...
From: Marco
Sent: Tuesday, December 07, 2010 2:37 PM
To: R C. M
To: Marco
Sunday, August 22, 2010
2010 Pinoy Expats/OFW Blog Awards
Dante Speaks is a blog of a friend of mine. If you have spare time, I recommend you visit his blog and read some of his posts especially me and my family, opinions, fine dining and more... By the way, his reviews about several restaurants he visited were very intriguing that I am very eager to visit one.Cast your vote HERE... Happy blogging...


Sunday, February 21, 2010
Araw Mo Ngayon (Happy Birthday Sir Edgar)
Labels: Birthday, friends, Kwentong Disyerto, OFW Corner, Photography, Reminiscing
Ito ang mga larawan nang kanyang paghahanda o pagbabahagi at pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong mga nakaraang taon...
Taong 2006... Ginanap sa China House Restauran, isang damakmak ang order na binusog ang lahat...
Taong 2010 : Sinimulan ng LCS TEAM ang pagbati sa kanyang kaarwan kaninang umaga at tulad ng nakagawian, may simpleng cake party na surpresa...
Para sa iyo Sir, wala man akong gaanong nasabi at mabilisan man itong aking pagbati at pag-gawa nito... Isang maligaya at masaganang kaarawan ang aking pagbati para sa isang matulungin, mabait, maunawain, at mabuting kaibigan...
Thursday, February 11, 2010
Litratong Pinoy: Iyo (yours)
Labels: Fauna, Fighting Fish, Fish, Kwentong Disyerto, Litratong Pinoy, Macro, Pet, Photography

Habang nagiikot kasi ako noon ay nakakita ako ng isang aquarium may kamurahan at kagandahan kung kaya't napabili ako upang ilipat na ang aking mga gold fish at guppies... kinabukasan ay dinala ko ang mga naging anak nila Dwarfen at Traxex (Dwarf Hamster) sa pet shop upang maibenta... Habang ako ay nagmamasid may mga fighting fish na umagaw ng aking atensyon at napagmasdan ang kanilang magaganda at matitingkad na kulay... Siguro ay inakala ng mayari ng Petshop na gusto ko ito kung kayat nasabi niyang "If you want take it... it's your's for free"... Aba! Di na ako tumanggi, free weh! Hehehehehehe...
Wednesday, October 29, 2008
LP 31: Kadiliman
Labels: Kwentong Disyerto, Litratong Pinoy, Photography
Isang magandang araw ng Huwebes ang aking pagbati... Ano nga ba ang minsan mayroon sa kadiliman? Minsan, ito ay kinakatakutan at kuminsan naman ay kina-aaliwan... Sa thema ngayon ay tila yata napapanahon sa papalapit na araw ng mga patay, kung kaya ay ito ang larawan na ito ang aking inilakip...
Dito sa gitnang silangan kung saan ako'y kasalukuyang naroon, may kahirapan ang maglakad sa kadiliman... Walang kasiguraduhan ang iyong kaligtasan at di mo alam kung mayroon bang panganib na naghihintay kung kaya't hinde mo na pipiliin pang dumaan at maglakad sa dilim... Siguro naman ay kahit saang lugar lalo na at kung ikaw ay isang dayuhan sa ibang bayan ay talgang nakakatakot lumakbay sa kawalan... Hindi mo alam kung ano ang mayroon at tila ba isa kang bulag na mangangapa sa dilim...
Thursday, October 23, 2008
LP 30: LIWANAG
Labels: bad days, Environment, friends, Kwentong Disyerto, Litratong Pinoy, OFW Corner, Personal, Photography
Pagkatapos nang Apat na buwan... Ang inyo pong lingkod ay susubukang sumali at makibahagi sa sining nang photographiya... Medyo may katagalan ang aking pananahimik at pagkawalan dito... Matagal-tagal ko rin hinde na bigyang pansin ang aking blog at marami-rami rin akong napabayaang aktibidades... Paumanhin po sa lahat at hiling ko sa inyo ang inyong mumunting pang unawa...
Salitang LIWANAG... Maraming kahulugan at mraming ipinapahayag... Sa ngayon ang dating sa akin nang salitang LIWANAG ay aking maikukumpara sa pang araw-araw na pamumuhay... Lalo na sa ngayon na kay raming problema na ating hinaharap...
Inilakip ko ang larawan na ito upang magbigay simbolo sa lahat na sa bawat araw na darating sa ating buhay ay may panibagong pagkakataon at Liwanag na magbibigay pag-asa... Pag-asa na upang tayo at magbago... magsumikap... at magkaroon nang panibagong pagkakataon at pag-asa na magkaroon nang magandang kinabukasan...
Hinde natatapos ang lahat dahil sa isang kasawian O di kaya pagsaubok sa ating buhay... Isipin natin na sa bawat pag sikat nang haring araw sa panibagong araw ay mayroon tayong pag-asa at pagkakataon...
Tuesday, May 6, 2008
Kenko Extension Tube (For Canon EOS EF/EFS)
Labels: Accessories, Branded, Feather, friends, Kwentong Disyerto, Macro, Photography
Again, I asked masterbetong another favor to buy me this new gadget of mine. Matagal ko nang gustong bumili nitong Kenko Eextension Tube even though hindi ko pa nasusubukan gumamit nito and really I don’t have any idea how to use it… So while browsing in Phipo, I saw and read the forum of Bones that he was on sell of this Kenko Extension Tube and exactly for canon users, kaya without hesitation, I replied to him and asked for reservation. Then I emailed masterbetong to inform him about this and check this extension tube for me... Ang bait-bait talga ni master, ‘coz after nya yata mabasa yung email ko nag text na agad sya kay Bones at tinanong kung available pa... Luckily meron pang available kung kaya’t pinabili ko na agad kay master kahit na wala pa akong ipinapadalang bayad sa kanya... That’s how good master is... Then, inihabol pa nya kay Pareng Tirso upang maisabay sa pag-balik dito... And ito naman si Pareng Tiro, paglabas na paglabas palang yata nang eroplano sa Dammam ay tumawag na agad sa akin... Just to inform me na dala na nya yung pinabili ko and he was so eager to bring it to me on that same day... Parang hindi napagod sa biyahe, and take note... Pass 10pm na sya nakarating nang Dammam and he will be travel for almost 1 hour from Dammam to Jubail... Kaya pass 11pm na sya nakarating sa Jubail then ibinaba lang nya yata ang mga baggage nya and inihatid na nya sa amin yung pinabili ko plus the pasalubong... Sarap naman nang may mga ganitong kaibigan and I am very thankful for that....
Medyo nakakahilo syang gamitin and hindi ko pa na-try using single and different combinations of extensions and lenses... I guess this will make me more busy and isa na naman ito sa aking paga-aralan at page-experimentuhan... I hope magaya ko na yung mga shots ni idol macro master Arbil...
Thursday, May 1, 2008
LP #5 : MALUNGKOT
Labels: friends, Kwentong Disyerto, Litratong Pinoy, Photography, Reminiscing
Araw na naman po nang Huwebes at syempre araw na naman nang paglahok sa Litratong Pinoy Medyo may kalungkutan nga lang ito sa ngayon sa kadahilanang ang tema ngayon tungkol sa malungkot... Medyo hirap akong pumili nang litratong aking ilalahok sa kadahilanang wala naman po akong gaanong kuha na nagpapahiwatig nang kalungkutan... Sana ay magustuhan ninyo itong aking mga inilakip na litrato...Drama
Lumbay
Thursday, April 17, 2008
Kim Live in Jubail...
Labels: Concert, friends, Kwentong Disyerto, OFW Corner, Photography, Recognition

The 2006 TFC Middle East PopStar Grand Champion, Kimverlie Molina goes to Jubail, K.S.A. for her mini concert, for expressing her gratitude and appreciation to all her fellow Filipino’s, maybe this is her last concert here in Kingdom for she will be leaving for her to continue her studies in De Lasalle Univertsity, Manila... Can’t believe that she was only 16 years old, Sweet 16... Her voice and talents will bring her to the top, and gives inspiration to some youngsters, I guess not only youngsters... Maybe, all who watch her performance are truly inspired by her serenade, and I am one of those... Wish my Pipay have the same talent like her, Who knows!? Anyway, here are some of my shots during her concert...



















































