Thursday, October 23, 2008

LP 30: LIWANAG


Pagkatapos nang Apat na buwan... Ang inyo pong lingkod ay susubukang sumali at makibahagi sa sining nang photographiya... Medyo may katagalan ang aking pananahimik at pagkawalan dito... Matagal-tagal ko rin hinde na bigyang pansin ang aking blog at marami-rami rin akong napabayaang aktibidades... Paumanhin po sa lahat at hiling ko sa inyo ang inyong mumunting pang unawa...


Sa aking muling pagsali at pagbabahagi... Lalo na sa thema ngayon na may pinamagatang LIWANAG... Para sa akin ay ito ang larawan aking maibabagagi at makakapag bigay expresyon nang aking nais sabihin...


Salitang LIWANAG... Maraming kahulugan at mraming ipinapahayag... Sa ngayon ang dating sa akin nang salitang LIWANAG ay aking maikukumpara sa pang araw-araw na pamumuhay... Lalo na sa ngayon na kay raming problema na ating hinaharap...

Inilakip ko ang larawan na ito upang magbigay simbolo sa lahat na sa bawat araw na darating sa ating buhay ay may panibagong pagkakataon at Liwanag na magbibigay pag-asa... Pag-asa na upang tayo at magbago... magsumikap... at magkaroon nang panibagong pagkakataon at pag-asa na magkaroon nang magandang kinabukasan...

Hinde natatapos ang lahat dahil sa isang kasawian O di kaya pagsaubok sa ating buhay... Isipin natin na sa bawat pag sikat nang haring araw sa panibagong araw ay mayroon tayong pag-asa at pagkakataon...

8 comments:

Anonymous said...

ang ganda ng inyong larawan,pwedeng i palaminate.

Anonymous said...

Ang ganda nga! Bagay na bagay sa tema nagyong week na to:) My LP:Liwanag entry:)

Anonymous said...

happy huwebes... :)

arvin on October 23, 2008 at 8:21 AM said...

Kung wala ang araw ay walang liwanag sa umaga at gabi.

agent112778 on October 23, 2008 at 8:57 AM said...

wow ang galing...simpleng malufet :)

eto aken lahok

magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

Anonymous said...

Ganda naman! Kuha ba yan dito sa kaharian?

Welcome back sa LP, Matt!

JO on October 24, 2008 at 2:57 AM said...

wow! maligayang paglitrato.

Eto ang aking lahok. Salamat.

Anonymous said...

Maligayang pagbalik, matt... mukhang super busy ka... akala ko eh nabawasan na ang mga nagpi-picture dito sa kaharian.

i'm sure hindi yan dito sa lugar natin no... may ulap kasi eh... pansin ko hindi maulap dito sa lagar na ito. tama ba?

Statistics

Add to Technorati Favorites

Followers

Powered By Blogger
 

E S P I Y A N G ~ M A N D I R I G M A. Copyright 2010 All Rights Reserved