Wednesday, June 11, 2008

LP #11: Kalayaan



Bago po ang lahat... Isang magandang araw po ulit nang Huwebes ang aking pag-bati sa inyo... Sa ngayon linggong pong ito ang ating tema ay Kalyaan... Maraming naghahangad ng kalayayaan... Maging sa malaki o maliit na bagay ay maraming dahilan na humihingi ng kalayaan...
Sa kadahilanan pong wala akong gaanong mailathala tungkol sa kalayaan at dahil narin sa gusto kong matapos agad itong akda na ito, ako po ay humingi ng opinyon ng iba... Hindi po ito tungkol sa kalayaan ng ating bansa... Ang aking maibabahagi po sa ngayon ay tungkol sa isang tao na aking nakilala kama kailan lamang na tila nahulog ang aking kalooban...

Tawagin nalang natin sya sa kanyang initial na R.R.P. At ito po ang kanyang nasabi...

"Hindi makakamtan ng isang tao ang tunay na kalayaan na gusto niya habang my sakit at hinanakit at galit na nararamdaman sa puso ng isang tao... Kailangan ng isang tao na nakakulong sa rehas ang kapatawaran sa kanyang puso para makamtan niya ang kalayaan na hinhanap niya... Hinahanap ng tao na nakakulong sa rehas ang kapatawaran ng mga taong ngbigay sa kanya ng sakit... Kung sakaling dumating yung hinihingi ng kanyang kapatawran masasabi kong maari ng mkalaya ang buong pagkatao at ang kanyang puso..."

Medyo tungkol sa karaniwang pananaw ang kanyang nasabi, may kaguluhan ngunit kung iyong iintindihin ay may kahulugan... Sya ang aking hiningan ng opinyon sa kadahilanang marami akong istoryang nalaman tungkol sa kanyang buhay, mga hirap at pasakit na pinagdaanan maging pisikal o kaya ay mapa-emosyonal, mula pa sa kanyang pagkabata at hanggang sa ngayon... Hindi ko lubos maisip na sadya palang may mga taong malulupit, kahit na sa sarili mong magulang pala ay maari mong danasin ang lupit at sakripisyong sadyang hindi mo gugustuhin... Maging sa mga kanyang minahal sa buhay ay dinanas nya ang mga kalupitan na hindi mo aakalaing magagawa ng isa mong minamahal...
Ang akala ko noong una ay sa komiks lang nangyayari ang mga ganong bagay, may mga nangyayari din palang ganoon sa totoong buhay... Kung kaya't kapag nakikinig ako sa mga bawat malulungkot na istoryang kanyang naranasan, may matinding galit at lungkot din ang aking nararamdaman... Paano kaya makakalaya ang isang tulad niya sa mga malulupit at malulungkot na ala-alang ibinigay sa kanya... Kung may magagawa lang akong paraan upang maipsan ang kanyang mapupoot na ala-ala... Sanay aking magawa kahit sa pinaka simpleng paraan... Hiling ko lang na sana nga ay makatulong ako sa kanya...

16 comments:

Anonymous said...

nka-relate naman ako sa iyong akda, dahil may kakilala akong malapit sa puso na halos ganiyan ang kalagayan, at totoong totoo ang mga salita ni rrp...sana pareho nilang maramdaman ang kapatawaran at maging kalayaan...

Joy on June 11, 2008 at 9:53 PM said...

Totoo ang kanyang mga sinabi. Mahirap gawin ang magpatawad ngunit sa oras na magawa ito ay laking ginhawa ang nararamdaman.
Maligayang LP sa iyo.

Dante on June 11, 2008 at 10:46 PM said...

hindi ako maka-comment sa sinulat mo kaya don na lang ako sa litrato ng watawat magko-comment. araw ng kalayaan... ang galing-galing mo talagang mag-conceptualize (hirap kaya tagalugin). isang litrato, ang daming kwentong gustong sabihin sa aking paningin. galing mo talaga matteo!!!

Anonymous said...

Minsan mahirap ma-differentiate ang pagpapatawad at paghihigante. Ang sa akin lang eh dapat sigurong magpatawad ka muna para ikaw ay tunay na maging masaya at malaya.

Happy LP!

Anonymous said...

sa isang banda, mahirap talaga para sa ibang tao ang maibigay ang lubos na pagpapatawad. sadyang may mga sakit na malalim ang iniiwang sugat..para bang hindi naghihilom.

Magandang konsepto.. Happy L.P. sa iyo!

Anonymous said...

ayos ang concept mo sa larawan... maligayang araw ng kalayaan...:)

lidsÜ on June 12, 2008 at 2:35 AM said...

tuwing nakakarinig ako ng ganitong mga kwento, talagang lubos akong nagpapa-salamat sa aking kinalalagyan. marami palang naka-piit sa iba't-ibang klaseng mga rehas at sa bawat araw ay hiling nilang makalaya. nakakalungot.
magandang huwebes sa'yo...

Anonymous said...

tunay na mahirap ang sitwasyon ng iyong kaibigan...tama ang kanyang sinabi, pero hindi nga ganun lang kadali.

pagmamahal mula sa Diyos, sa iba (kaibigan) at pagmamahal niya sa sarili ang dapat niyang makita at madama...susunod na lang ang pagpapatawad.

dahil kung walang kapatawaran, pagmamahal...siya rin ang mahihirapan...walang kasiyahang makakapasok sa kanyang buhay.

iyong idalangin at idulog ito sa ating Diyos.

akin din siyang ipapanalangin :D

Anonymous said...

Ang kalayaan mula sa galit at pagdaramdam ay marahil isa na sa pinakamapagpalayang pakiramdam. Mawa'y makamtan na ito ni RRP...

Maligayang LP!

Haze on June 12, 2008 at 7:27 AM said...

sabi nga nila, mahirap mag patawad kung hindi naman ito galing sa puso. madaling sabihin na pinapatawad mo siya pero deep inside, hindi pa naghihilom ang sugat, bale wala rin. hindi kayo parehong malaya.

maganda ang konsepto mo, hindi lang sa pag aapi ang pag laya, at idea ng kalayaan. sa araw-araw ng ating buhay, maaring nakagapos pa tayo at malaya. nasa atin pa rin kung paano tayo lalaya sa mga naggapos sa atin.

gandang araw ng LP sa iyo =)

Tes Tirol on June 12, 2008 at 6:10 PM said...

madali magsabi ng magpatawad dahil hindi sumusunod agad ang damdamin, subalit pag ito ay ginawa, saka pa lang sya tunay na magiging malaya.

gandang araw sa iyo!

Anonymous said...

Ang galeng ng konsepto ng iyong larawan! Mukhang napaka-interesting na tao ni R.R.P. at sang ayon ako sa mga sinabi niya. Kung ating iisipin ay applicable din siya kahit sa mga taong hindi nakakulong.

Happy LP! At maligyang araw ng kalayaan!

http://www.bu-ge.com/2008/06/litratong-pinoy-kalayaan.html

ScroochChronicles on June 13, 2008 at 4:21 AM said...

nabahala ako sa ikinwento mo kasi ito ang kapalaran di lamang ng iyong kaibigan kungdi ng maraming nilalang sa buong mundo. masakit mang isipin pero ito ay isang katotohanang di natin dapat talikuran.

Cookie
http://scroochchronicles.blogspot.com/

Anonymous said...

gusto ko ang tingkad ng kulay ng iyong litrato.

happy weekend! :)

Strawberrygurl: LP11 Kalayaan
BusyMom: LP1 Kalayaan

Anonymous said...

bandila sa likod ng mga rehas... ganda ng komposisyon ng litrato na ito.

 gmirage on August 18, 2008 at 12:15 PM said...

kumusta na ba? hinahanap ko ang latest mong post pero itong kalayaan ang laging nasa ibabaw....

mahirap minsan magpatawad lalo na hindi naman tayo perpektong nilalang....pero sabi nga ng Diyos "Vengeance is mine" kaya kalimutan na lang lahat ng sakit sa kung anumang nangyari at siguradong Diyos na ang bahala!

Statistics

Add to Technorati Favorites

Followers

Powered By Blogger
 

E S P I Y A N G ~ M A N D I R I G M A. Copyright 2010 All Rights Reserved