Kutsara at Chopsticks
Ito po ay kuha sa isang restaurant dito sa Gitnang Silangan na kung saan paminsan-minsan ay aming pinupuntahan upang magkaroon ng pagtitipon…
Antenna ng Television
Ang aktwal ko pong kinukuhanan dito ay ang mga grupo ng mga ibong nasa kabilang bakod nang aming tinutuluyan… Sa kadahilanang ang thema ngayong lingo ay tugkol sa mga bagay na pahaba, akin pong napuna ang antenna dito kung kaya’t isa ito sa aking isinali…
Fuse
At ang huli ko pong ibabahagi ay ang aking pagkakakuha sa isang maliit na pundidong fuse na gamit sa speaker… Ito po ay napundi sa kadahilanang hindi sinasadyang pagsaksak sa 220 boltaheng kuryente nang aking kasambahay…
19 comments:
Yesterday I visited your blog and liked it very much! I have found a lot of really interesting and useful information there! The time I have spent reading was wonderful and I may say that you’ve done a great job! There are also wonderful photos! I’ve immediately added your blog to my favorite links and will enter it any time when in need of something positive. Thanks a lot!
Maraming lahok na tamang tama sa tema! Sana ay may kasamang pansit ang chopsticks! =D
Maligayang LP! Sa susunod uli!
Ganda ng mga kuha mo. Nagustuhan ko nang lubusan yung pangalawa.
Maligayang araw!
gusto ko ang chopsticks photo!:)
minsan na lamang ako makakita ng atenna na ganyan! ang ganda!
magandang huwebes sa'yo!
ang galing mo naman kumuha ng larawan. nung nakita ko yung antenna akala ko pareho tayo ng lugar hehe.. siguro magkapit bahay lang tayo.. have a nice day! :)
http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-4-hugis-ay-pahaba.html
ayos, daming lahok ah... magandang huwebes....
http://linophotography.com
Ang ganda ng kuhang may ibon. Ang fuse na iyan naalala ko nung bata pa ako,kasimadalas pumutok ang ganyan ng tv naming nakalagay sa kahong kahoy, haha!
Magandang araw sa iyo!
http://greenbucks.info/2008/04/24/litratong-pinoy-pahaba/
perfect yung shot ng ibon in motion, gustong gusto ko ang mga pakpak nya, ang galing! pasensha ka na , nauna ko nakita ibon keysa sa mga antena ha ha!
ang gagaling ng 3 na kuha mo...hanggang sa susunod na Huwebes!!
Thess
ang ganda ng mga kuha mo kapatid. gusto ko yung litrato ng antena na may ibong padapo sa kanya :)
Nakakatuwa naman yung pangalawang mong kuha. Nakuhanan mo talaga yung isang ibong lumilipad! Galeng!
Magandang araw sa yo!
ako din antenna fan, dahil sa ibon. :) ika nga ni thess, ibon in motion, haha!
maligayang huwebes!
MyMemes: LP Pahaba
MyFinds: LP Pahaba
yung fuse, unang tingin ko dumbbell, sobra na yata ako sa kakagym hehehe galing ng mga kuha mo!!
http://kajesalvador.com
parang malungkot nga yung chopstick at kutsarang pahaba dahil walang mahabang pansit na kasama. :( hee hee. ang gaganda ng iyong mga lahok na litrato. :)
Mga Pahaba sa Dallas
Mga Pahaba sa Houston
uso pa pala ang mga antenna ngayon. akala ko lahat eh naka cable na. hehe
pag nakakakita ako ng chopsticks, noodles at siomai ang naiisip ko. nakakagutom tuloy!
magandang mga kuha!
happy LP! sa susunod na lahok natin!
Ang gaganda naman ng kuha mo! Saan ka naka-pwesto nun kuhanan mo un antenna? :) Maligayang LP! :)
Silver Tower ba yung nakalagay sa chopsticks na iyon? Hindi ko alam na may restaurant doon... masarap ba? Tiga Dammam kasi ako eh.
Hi Matt! Sobrang natuwa ako na makitang may isa pa palang taga-KSA na kasali sa LP - welcome!
Ganda ng mga kuha mo - pro na pro ang dating! Paborito ko yung kutsara at chopsticks. Di ka ba hirap kumuha ng mga larawan dito? Di ba medyo may kahigpitan kasi sila kaya medyo nagingimi kami ng asawa ko kumuha sa labas.
Maraming salamat po sa inyong lahat... Sa mga nagandahan sa aking simpleng nakayanan at sa inyong oras upang magsaad nang inyong komento...
@ Parliament Cigarettes I really appreciate your time reading my blog I already link you too on this blog… Thanks and have a great day...
@ mirage2g Salamat po nang marami... Hindi pa po kasi naihahain yung inorder namin na pansit kung kaya’t hindi ko ito naisama sa aking kuha...
@ Joy , Lizeth , lidsÜ , lino , Maraming salamat din po sa inyong lahat... Hanggang sa muling kasiyahan...
@ julie Salamt din pos a iyo… Naalala ko ang iyong tinutukoy na TV na nakapaloob sa kahong kahoy na de-susi, hanggang ngayon ay buo pa sa pagkaka-kahon iyong TV ng aming Lolo ngunit hindi ko lang masigurado kung pati mismo ang TV ay nagana pa… :D
@ Thess LOL :D Ayo slang po iyon Thess, sadya po naman kapansin-pansin yung ibon kaysa doon sa antenna…
@ Iris , Buge , MrsPartyGirl Salamat din po sa inyo mga kapatid… Sadya ngang marami ang nagkakagusto sa ikalawang larawan na aking inilahok… Dahil sa dag-dag attraksyon na ginampanan ng mumunting ibong papadapo sa antenna...
@ Kaje LOL :D Baka naman po masobrahan ang pag-eehirsisyo, at lumabis ang ka-seksihan… Maging lalong kaakit-akit sa mga kalalakihan…
@ Munchkin Mommy Naipsan naman po yung kanilang kalungkutan pati narin po kami noong dumating na ang aming inorder na pansit...
@ Haze Maraming salamat po sa iyo… Medyo marami parin naman po ang gumagamit ng antenna… Kung minsan ay kahit tinidor ay napapagtiyagaan… Maganda po pala ang epekto nang chopstick sa inyo, medyo nagiging pampaganang kumain... :D
@ gladys rea Magandang araw din po sa iyo... Doon po ako nakapwesto sa itaas nang aming gusaling tinutulyan na medyo nagkataong mas mataas kaysa sa katabi naming...
@ leapsphotoalbum Opo, silvertower nga po ang pangalan noong restaurant na iyon at sa aking pagkaka-alam ay mayroon din dyan sa Dammam-Khobar Hi-way… Medyo ayos naman po ang kanilang mga putahe, ngunit ang iba ay hindi angkop sa aking pang-lasa...
@ chinois972 Maraming salamat po sa iyong pag-salubong… Gaya mo din po, ako rin ay nagagalak na malaman kong marami po pala tayong mga taga KSA na lumalahok dito…
Salamat po sa iyong pag-puri, tungkol namanpo sa pagkuha dito… Medyo nag-aalangan parin ako paminsan-minsan at namimili parin nang lugar kung saan pu-pwedeng kumuha… Sa ngayon ay medyo maluwag-luwag na dito sa Jubail at wala pa naman pong sumisita sa akin… Sa tingin ko po ay mas magiging madali nga po lalao sa inyo kung kayong pamilya ang magkukuhanan dahil alam naman po natin na hindi gaanong sitahin ang mga family status dito...
Sa lahat po, ako ay muling nagpapasalamat at nagagalak sa kasiyahang naidudulot nitong Litratong Pinoy sa atin lahat... Hanggang sa muli…
Post a Comment