Thursday, April 3, 2008

Seven... Pito-pito...


Hindi ko alam kung okay lang itong post ko na ito... Actually habang kino-compose ko ito ay napa-isp ako at dali-dali kong binasa muna ang terms and conditions noong site... Don’t have any idea kung ok lang or hindi, but anyhow wala naman mawawala siguro kung itutuloy ko ang pag post nito... And it doesn’t mean nanaman na nangdaya tayo sa pag-vote... And there is no reason naman siguro para makulong ako dahilan lang sa pag post nito... (Kabado parin!) Ang unang nagsabi ay si Ka Raoul... Ipinaalam nya sa amin na meron nga daw botohan para sa mga makabagong 7 wonders of the world... Kung kaya nga ito at hinihikayat ko kayo na bumoto at sumuporta sa tatlong lugar na maipagmamalaki mula sa ating inang bansa... Ito ay ang Chocolate Hills, na ating makikita sa Bohol... Ang Tubbataha Reef, na nasa kalagitnang karagatan nang Sulu at ang Mayon Volcano na sinasabing halos perfect cone at masisilayan sa probinsya nang Albay, Bicol Region...

Chocolate Hills


Tubbataha Reef


Mayon Volcano

Sadya nga namang kay gaganda nang mga likas na yaman na ito... Panahon na rin ang umukit sa kagandahan ng mga ito at nasa sa atin nalamang ang paraan kung paano ito pangangalagaan at pananatiliing maayos... Kung lahat lang siguro nang mga Kababayan natin ay matututong pangalagaan at mahalin ang ating mga likas na yaman sa ating bansa... Marahil ay mas mapapaganda pa at matutumbasan o dili kaya mahihigitan pa ang iba...

0 comments:

Statistics

Add to Technorati Favorites

Followers

Powered By Blogger
 

E S P I Y A N G ~ M A N D I R I G M A. Copyright 2010 All Rights Reserved