Friday, April 11, 2008

Litratong Pinoy


Kani-kanina lang habang binisita ko ang blog ni masterbetong, aking nakita ang kasalukuyang naka-paskil na pinamagatang Bilog... Ang una ko munang napansin ay ang kanyang litratong inilakip dito... Habang ito ay aking binabasa, ito pala ay kanyang inilahok sa Litratong Pinoy na ang katigorya ay tungkol sa hugis bilog.
.
Sinulyapan ko ang blog na ito at aking napag-alaman na isa pala itong blog para sa mga Filipinong nahihilig sa potograpiya, mapa-propesyonal o hindi man, ay maaring sumali... Ito ang link sa kanilang impormasyon kung paano sumali... (Impormasyon atbp.)
.
Kaya pagkatapos kong alamin ang mga patungkol dito at napag-alaman ko rin na ang susunod na kasiyahan ay may themang Litratong Pinoy #2: Tatlo ang sulok ko ay dali-dali kong kinuha ang aking kamera at naghanap naman ng mga bagay o kung ano-anong pwedeng kuhanan na may hugis tatsulok upang makilahok sa kanilang kasiyahan...
.
Ang mga litratong aking isasali dito ay akin naman ibubukod na post para ipasa at isali ang link sa Litratong Pinoy at sana naman ay tanggapin at aprobahan ng Admin.

0 comments:

Statistics

Add to Technorati Favorites

Followers

Powered By Blogger
 

E S P I Y A N G ~ M A N D I R I G M A. Copyright 2010 All Rights Reserved