Friday, April 11, 2008

Litratong Pinoy #2: Tatlo ang sulok ko


Ito ang aking unang pagsali sa kasiyahan nang blog na ito... At sadya ngang nakaka-guluhanan ang unang paglahok ko dito... Noong nabasa ko ang site na ito na nakapaskil sa blog ni masterbetong ay dali-dali kong inalam kung paano sumali... Pagkatapos kong alamin ang kanilang mga alintuntunin ay dali-dali kong kinuha ang aking kamera at naghagilap nang kung ano-anong bagay na may hugis tatsulok, at ito ang ilan sa aking mga napagkatuwaang kuhanan...

Ito ay ang tatak nang zune na gawa ng microsft... Ito pa ay kuha sa kable ng charger kung kaya't kapansin-pansin po mga gas-gas nito...




Napansin ko rin ang hugis na tatsulok dito sa aking laruang Hot Wheels kaya nagustuhan ko rin kuhanan upang maisali ko rin...

At ang huli ko pong ibabahagi ay ang hugis tatsulok na napansin ko sa likod nang baryang sampung piso... Medyo binago ko po ang kulay upang bigyang pansin ang hugis tatsulok...

2 comments:

Thess on April 13, 2008 at 12:16 PM said...

Hello Matt, got here via L.P.

Ang ganda ng kuha mo sa hot wheels at lutang na lutang naman ang tatsulok sa barya..ang ganda.


hanggang sa susunod na LP!
Thesserie

MrsPartyGirl on April 17, 2008 at 12:16 AM said...

hi matt, humahabol ako ng pagbisita sa mga humahabol na magpaskil ng lahok sa LP. :) welcome!

gusto ko ang iyong kuha sa barya. minsan talaga nate-take for granted ang mga ganyang bagay no? sa barya lang pala may tatsulok na. :)

hanggang sa susunod na huwebes! (ay bukas na pala yun, hehe!)

MyMemes: Tatsulok
MyFinds: Tatsulok

Statistics

Add to Technorati Favorites

Followers

Powered By Blogger
 

E S P I Y A N G ~ M A N D I R I G M A. Copyright 2010 All Rights Reserved