Thursday, May 22, 2008

LP# 8 TUBIG


Ang bilis ng mga nagdaang araw... Tila di ko napansin na ngayon ay araw na naman pala ng Huwebes. Kahit medyo abala, nais kong ipaskil ito upang makalahok ulit sa Litratong Pinoy... Ang tema naman po sa ngayon ay Tubig... Ang isa sa may pinaka importanteng bahagi na bumubuo sa mundo, hayop, halaman at sang katauhan... Halos 71% ng mundo ay binubuo ng katubigan at gayon din sa kabuuan nang mga likhang namumuhay dito...
Tubig...

Ang susunod pong mga kuha ay noong nakaraang taon pa (2007) nang kami ni master ay pumasyal sa lugar nila Pareng Tirso sa Antipolo.... Halos mahigit tatlong oras namin tinawid ang dalawang bundok sa kahahanap lamang ng talon... Sa kasawiang palad, hindi namin ito natunton sa kadahilanang aabutan na kami ng takip silim at nakalimutan din naming mag-baon ng tubig na pamatid uhaw sa aming paglalakbay... Kasalanan ito noong Ale sa may Hanging Bridge.... Ang sabi malapit lang daw! Eh, Dalawang bundok na ang aming natawid, wala parin ang talon... Hanggang sa lumabas na kami sa isang bayang patungong Montalban at pabalik ng Marikina...

Si master habang hingal na hingal at naghuhugas sa dumadaloy na tubig mula sa Bundok... Kailan kaya mauulit ang ganitong paglalakbay? Sa susunod ay amin nang sisiguraduhing may dala-dala kaming pamatid uhaw....

10 comments:

Anonymous said...

Ang linaw ng tubig. Saan po iyan banda?

Magandang gabi.

Anonymous said...

hehe at least adventure! :) magandang huwebes sayo!

Anonymous said...

nagustuhan ko ang dalawang huling litrato/larawan...wala ng gaganda pa sa natural na kulay ng buhay :) ang galing mo talaga. magandang araw sa iyo.

ang lahok ko:
http://manillapaper.com/2008/05/lp8-water-tubig/

espiyangmandirigma on May 22, 2008 at 4:22 PM said...

@ julie : As I remember sa Antipolo po yun... Hindi ko lang matandaan yung name noong bundok...

@ iris : Opo! Sobrang adventure and at the same time nasubukan namin yung resistensya namin... Si master sobrang hingal na nyan...

@ roselle : Thanks po for the appreciating my shots... You have great shots too... And gaganda din po ng compositions mo...

Thanks po sa lahat...

Anonymous said...

magaling talaga ang mga kuha mo matt!

lidsÜ on May 23, 2008 at 2:38 AM said...

ang ganda!
magandang araw sa'yo!

fcb on May 23, 2008 at 7:42 AM said...

ang ganda ng mga nature shots!

espiyangmandirigma on May 23, 2008 at 10:48 AM said...

@ mousey : Maraming salamat po... at salamat din po sa iyong pagdalaw... Ingats...

@ lidsÜ : Magandang araw din po... Salamat din po sa iyong pagdalaw... Ingats din...

@ @-->---- : Salamat po sa iyong pagpuri... Ingats din po ikaw...

Lizeth on May 25, 2008 at 1:48 AM said...

hindi ko yan kaya!! argh!!

pero gusto ko... kayakin ko kaya? :D

korek! ang pamatid uhaw, wag kalimutan sa susunod :D

happy weekend!!

Dante on May 25, 2008 at 8:48 PM said...

yong first shot alam ko... sa silver tower resto? nang nilagyan nong waiter ng tubig ang baso ko? hmmm... not only are you magaling, matyaga ka talaga maghintay ng mga moment that makes a great shot!

Statistics

Add to Technorati Favorites

Followers

Powered By Blogger
 

E S P I Y A N G ~ M A N D I R I G M A. Copyright 2010 All Rights Reserved