Sunday, May 11, 2008

Maligayang Araw Inay...


Ilang mother's day na ang nag-daan at maraming beses ko narin na-mi-miss ang aking Inay... Hindi lang tuwing mother's day kung hindi sa tuwing makakakita ako nang mga bagay na magpapa-alala nang aming nakaraan... Sadyang kay hirap ngang mawalay sa Ina lalo na at kung ikaw ay musmos pa lamang... Tulad nalang nang aking kapatid na dalawang taong gulang pa lamang noong mawala ang aming mahal na Ina... Dalawang taon lamang nyang naramdaman ang pagmamahal at pagaaruga ni Inay... Di tulad ko na medyo nakaranas nang mga kaluhuan at pagmamahal ng Ina, pagaasikaso at mahigpit na pagyakap, katabing matulog at pag-pasyal-pasyal... Bili mo ako noon, bili mo ako nyan... Gusto ko ito! Sa bawat hiling ko lahat ay naibibigay... Lahat ay aking naalala, ngunit nakakalungkot aalalahanin kapag sadyang wala na ang aming mahal na Ina ay wala na sa aming piling... Iba talaga ang pagmamahal nang tunay mong Inay at sadyang walang kapantay... Kaya sa aming mahal na Ina, alam kong hindi mo man kami nakakasama sa ngayon, ay nandyan ka parin at gumagabay sa amin... Hindi man sa physical alam namin na may pamamaraan ka parin upang kami ay subaybayan at gabayan... Kaya sa aming pinakamamahal na Inay... Maraming salamat sa lahat nang iyong pagmamahal, mga paghihirap, mga nagawa at paga-aruga... Sana ay naipadama namin sa iyo ang aming pasasalamat... Happy Mother's Day Mom...


Para sa aking mahal na asawa... Alam ko ang iyong mga paghihirap at pagti-tiis na iyong ginagawa, mga sakripisyo para sa kinabukasan nang ating mga supling... Ang pangungulila sa iyong mga mahal... Dag-dagan lang ang ating panalangin at pagtitiwala't tayo ay makakaraos din... Salamat sa lahat ng iyong mga pag-uunawa't pagmamahal kahit na tayo'y magkalayo sa isa't-isa... Naniniwala ako na sa kaunting panahon nalang at sa kaunting sakripisyo nalang, nawa'y makamit din natin ang ating mga mithiin... Ako ay nagpapasalamat sa dakilang may likha sa atin at biniyayaan ako nang isang mapagmahal na asawa at matatag na Nanay nang ating mga anak... Maraming salamat at maligayang araw nang mga Nanay sa iyo mahal ko...

Sa lahat nang mapagmahal na Ina... Araw nyo ay ngayon... Maligayang araw nang mga Nanay sa lahat...

4 comments:

Anonymous said...

Tunay na nakakaantig naman ng puso ang lahok mo ngayong linggo, Espiyang Mandirigma. Tiyak kong saan man siya naroroon, ipinagmamalaki ka ng iyong ina. Tiyak ko rin na kapag nabasa ng asawa mo ito, mas lalo ka niyang mamahalin. :)

Salamat sa pagbabahagi ng iyong kuwento.

°eGa° on May 12, 2008 at 6:35 PM said...

malungkot kung iisipin na hindi mo na kasama ang iyong ina
...malungkot kasi may mga moments na u feel u need her...at sya lang ang pwedeng pumuno sa need na iyon
...u can only be thankful na nasa magandang lugar na siya, wala ng pain, wala ng hardships....
...mapalad kaming masasabi na kasama pa namin ang kanya-kanya naming ina, kaya we shouldnt take that for granted

just make your mom proud.. thats enuf for her to be happy kahit she's not there by ur side.

Anonymous said...

wheww nakakatouch dre ah... :(

Anonymous said...

senti mode bro! sabi nga nila, mas malalaman mo ang halaga ng isang tao kapag wala na siya.

Next month araw naman ng mga tatay!

Statistics

Add to Technorati Favorites

Followers

Powered By Blogger
 

E S P I Y A N G ~ M A N D I R I G M A. Copyright 2010 All Rights Reserved