Thursday, May 15, 2008

LP #7: Umaapoy


Magandang araw po ulit nang Huwebes sa lahat... Araw na naman nang paglahok sa Litratong Pinoy... At sa Linggong ito ang tema ay tungkol sa mga Umaapoy... Medyo madali-dali ang aking paglahok sa ngayon sa kadahilanang may mga likhang kuha narin ako ng mga ganitong nilalarawan... Ang iba ay noong nakaraang taon pa at ang iba naman ay nito lamang mga nakalipas na araw...

Ito po ang ilan sa aking mga napiling ilahok sa ngayong tema...

Laro sa Baga

Hindi po ito yung inyong nababasa sa Liwayway, pinangalanan ko po lamang syang Laro sa Bagos sa kadahilanang tila mo naglalaro ang apoy na ito sa ibabaw nang nagbabagang uling...



Ilaw at Apoy


Ito naman po ay ang aking kuha noong nakaraang undas at ako ay nage-eksperimento at sabay na nilalaro ang maliit na ilaw sa likuran nang nag-aapoy na kandila... Medyo hindi lang po gaanong maganda ang pagkakaguhit ng ilaw, ngunit gayon pa man ay nagbigay parin ito nang karagdagang konsepto...





Pang-Gatong

Ang kuha naman na ito ay noong huli kong bakasyon, habang inaantala ni Nanay ang mga balat ng baboy upang gawin sitsaron... Ito ay katam-tamang baga lamang ang kinakailangan upang hindi mabigla ang pagkaka-antala nang mga balat at upang hindi rin masunog ang mga ito... Kapansin-pansin din sa larawan ang mga abong papel na ginamit upang pag-apuyin ang kahoy na ipinang gatong... Ito pa yata yung listahan nang aking mga pinagkakautangan...

14 comments:

Anonymous said...

laro sa baga? bad yun! hehe! gaganda ng mga larawan mo! happy huwebes sau!

Dyes on May 15, 2008 at 1:08 PM said...

lahat ng peechurs mo ang gaganda!

happy hottie hwebes!

Anonymous said...

Sobrang "professional" naman ng iyong mga lahok, kapatid! Galing!

Happy Huwebes sa iyo!

Haze on May 15, 2008 at 1:57 PM said...

sa una mong picture parang sumasayaw ang apoy. ang galing!

ganda ng mga kuha mo!

=)

Anonymous said...

ang gaganda ng lahok mo..lalo na yung huling larawan :)

Anonymous said...

Ang gaganda ng litrato mo, as always.. lalo na ang pangatlo. =)

Anonymous said...

nice shots! salamat sa pagbabahagi. malamang ay aabang abangan ko na ang mga lahok mo. :)

ang aking lahok:
http://manillapaper.com/2008/05/lp7-umaapoy/

Tes Tirol on May 15, 2008 at 6:53 PM said...

ang galing! sulit na sa paghihintay ng chicharon ni Nanay... buti na lang at wala ako sa listahan ng utang mo :)

gandang 'webes!

Anonymous said...

love your photos, and how the fire had all these light effects!

 gmirage on May 15, 2008 at 10:56 PM said...

Magagandang lahok, salamat at pinakita mo saamin! Naalala ko ang pelikulang yan...

Maligayang huwebes!

Anonymous said...

magandang araw ng biyernes, sensya na late ako, hehehe...

Anonymous said...

ang iinit ng mga larawan mo.. talagang nag-aapoy! hehe.. mabuhay LP! :)

Anonymous said...

MAtt, gusto ko yung ilaw at apoy picture mo... ang ganda ng effect.

Anonymous said...

pinakamagandang lahok na nakita ko.. huwaw sabaw!!

ang husay husay!!

Statistics

Add to Technorati Favorites

Followers

Powered By Blogger
 

E S P I Y A N G ~ M A N D I R I G M A. Copyright 2010 All Rights Reserved