Thursday, May 1, 2008

LP #5 : MALUNGKOT


Araw na naman po nang Huwebes at syempre araw na naman nang paglahok sa Litratong Pinoy Medyo may kalungkutan nga lang ito sa ngayon sa kadahilanang ang tema ngayon tungkol sa malungkot... Medyo hirap akong pumili nang litratong aking ilalahok sa kadahilanang wala naman po akong gaanong kuha na nagpapahiwatig nang kalungkutan... Sana ay magustuhan ninyo itong aking mga inilakip na litrato...
Kandila
Ito po ay kinuhanan ko noong nakaraang undas... Datapwat naririto kami sa ibang bansa, ipinagtitirik parin namin ang aming mga mahal sa buhay na namayapa...

Drama
Ito naman po ay kuha ko noong nakaraang taon sa isang pagsasadula na ginanap sa Al-Khobar... Nakalimutan ko na kung bakit siya napapaiyak diyan? Hindi nya kasi malaman kung sino ang uminom nang tubig sa basong pinaglalagyan nya nang pustiso... (Biro lang po!) :D

Lumbay
Ito naman po ay kuha ko noong nakarang taon din sa pag-gunita nang All Filipino Community Day... Tila malayo ang tingin at iniisip ang kanyang pamilya na kanyang labis na hinahanap-hanap... Hirap nga naman kapag ikaw ay nangimabang bayan at ang mga iyong mahal ay iniiwan panamantala at wala sa piling mo.... Sadyang hindi mo minsan maiiwasan ang malumbay at mangulila...

12 comments:

Anonymous said...

naantig naman ako sa litratong huli. ramdam din namin yan dahil nasa ibang bansa kami at nami-miss din namin ang aming pamilya.

MyMemes: LP Malungkot
MyFinds: LP Malungkot

Anonymous said...

natawa ako sa komentaryo mo tungkol sa photo#2 :) o baka sa nanay nya pala yung pustiso at hindi nya narealize na may laman pala yung basong ininuman nya. hehe.

Anonymous said...

Galing ng unang kuha mo, kabayan - idol!!! ;) Napaka-"Saudi" ng dating ng pangatlong litrato - saang corniche mo kinunan yang "senti shot" na yan?

Gandang Huwebes sa iyo!

Anonymous said...

malungkot talaga ang buhay pag malayo tayo sa pinas, sigh. kaya matatawag talagang modern day heroes ang mga OFW. di biro ang pinagdadaanan ng bawat isa. dba?

yvelle on May 1, 2008 at 7:47 PM said...

nice pics! have a great day!

http://biancaelyse-mylife.blogspot.com/2008/04/lp-5-malungkot.html

Joy on May 1, 2008 at 11:24 PM said...

Mahuhusay na kuha!! Paborito ko yung una!

http://tanjuakiohome.blogspot.com/2008/05/lp5-malungkot.html

lidsÜ on May 2, 2008 at 4:01 AM said...

ang lulungkot nga talaga...
magandang araw sa'yo...

Anonymous said...

paborito ko ang pangatlo kasi bukod sa maganda, parang nagiisip lang. hind nakakadepress. :)

Haze on May 2, 2008 at 10:04 AM said...

nagustuhan ko ang uang litrato sa lahat. minsan sa kalungkutan minsan liwanag lang ang kasama mo. mahusay!

maligayang LP!

Anonymous said...

Matt, gusto ko ang iyong mga kandila... maganda... parang nakakalungkot nga itong tingan kasi parang na-iisip ko ay may namatay.

Maganda rin ang Conriche shot... lahat tayong mga OFW ay nakaka-relate dito.

Anonymous said...

naway ang iyong wkend ay di kasinglungkot ng iyong huwebes...

Anonymous said...

ang gaganda naman ng mga kuha mo na litrato. talagang lumalabas ang emosyon. malungkot nga :( lalo na un isang tao na mag-isa at nakatanaw sa malayo :(

Statistics

Add to Technorati Favorites

Followers

Powered By Blogger
 

E S P I Y A N G ~ M A N D I R I G M A. Copyright 2010 All Rights Reserved