Paano nga ba ang mag-wagi o maging isang wagi? Kapansin-pansin sa aking inilakip na litrato ang kaka-ibang kulay ng isang itlog na maaring kumukuha ng iyong atensyon sa ngayon habang pinagmamasdan mo ito, dahil sa kanyang kaka-ibang kulay ay mas nagiging kapuna-puna... Maaring ang dating sa iba ay may kagandahan at maari rin naman ordinaryo lamang, pero paano naman kaya kung ang naging kulay ng itlog na ito ay itim? Siguro ay ma-iisip mo na parang naihantulad siya sa isang itim na tupa, na may hindi magandang impresyon... May nakakapag-isip din siguro na maaring maganda ang kanyang kulay sa iba pero ang nasa loob pala ay bulok na...
Sa ating pamumuhay, marami tayong nakakahalubilong iba't-ibang klaseng tao, iba-ibang pag-uugali at iba-ibang paniniwala... Napapansin natin ang kakaibang katangian nila at kung minsan ay mas napupuna pa natin ang pintas o mga maling nagagawa nila, kaysa sa kung ano ang kabutihan at kagandahan ng kanilang nagagawa o naibibigay... Siguro ay dahil sa kung minsan ay hinde natin nabibigyang halaga ang kanilang kagandahan o ang kabutihang naibabahagi sa lahat, na dapat ay atin din bigyang halaga at pasasalamat... Pero may mga tao din na tahimik lamang at inu-una pa ang kapakanan ng iba kaysa sa kanyang sarili, na mas ginugusto pang maging maligaya ang iba... May kanya-kanya talagang pamamaraan para ikaw ay magwagi, maaring madalas kang matalo sa laban, ngunit kapag ikaw ay nag-wagi na, ay may labis namang kasiyahan ang dulot... Maari din namang nag-wagi ka ngunit may kapalit namang mahahalagang bagay na kinakailangan mong isakripisyo...
Para sa akin, kung saan ka masaya at kung ano ang gusto mo ay yun ang gawin mo, hangga't wala kang ginagawang masama o hinde ka nakakapinsala at alam mong wala kang inaagrabyado, maaring nasa tamang lugar ka... Pilitin mong maabot ang mga gusto mo at sa oras na makuha mo ang iyong minimithi kahit sa simpleng bagay ay may labis kang kasiyahan na madarama at maari mong sabihin na ikaw ay nag-wagi...
10 comments:
Ang taong masikap ay talagang nagwawagi!
Happy LP sa iyo, Matt :)
btw, ang ganda ng drama ng mga kuha mo sa itlog.
Tama ka - marahil ay maituturing na ring pagwawagi ang kakayahang makita ang kagandahan at kabutihan sa mga taong naiiba sa atin sa halip na kanilang mga pagkukulang at kapintasan.
nice lighting... magandang araw ng huwebes... :)
Basta iniisip mong wagi ka, wagi ka talaga!
Ang LP entry naming magkapatid ay makikita dito at dito. Sana makadaan ka kung may oras ka. Salamat!
napakaganda ng iyong lahok:)
may kontras
maligayang LP
check mo rin lahok ko:)
Wagi ang picture!!
Ang sa akin naman, basta saan ka masaya, suportahan ta ka *lol*
ang ganda ng lighting. Sa tingin ko naman yung mga pagkakaiba natin ang nagbibigay ng interes sa buhay. Di porket kakaiba ka e masama ka na. Dapat matuto tayong irespeto ang pagkakaiba ng bawat isa
kung ang itlog na 'to ay naglakas loob maging dilaw sa gitna ng mga puti nyang kapitbahay, palakpakan sya sa kanyang tapang na maging kakaiba.
minsan ganayan ang tao, diba? nakikita ang hindi maganda. Pero, ang pagkakaiba ang siyang nagbibigay ng interes sa buhay natin. maligayang LP sa iyo.
Tagal mong nawala ah!
Pero wagi ang mga litrato mo! at totoo ang nakasaad...
Post a Comment