Isa sa aming kasamahan, kaibigan at itinuturing kong kapatid ang sa ngayon ay magtatapos ng kanyang kontrata ng trabaho, ngunit wala paring kasiguraduhan ang nakatakda sa kanyang pag-uwi… Sa loob nang dalawang taon na ang katumbas ay isang kontratang pagtrarabaho dito sa gitnang silangan ang kanyang pinirmahan, first timer mag abroad at walang kamaang-maang sa kanyang patutunguhan… Naalala ko noon, gaya nya walang idea kung ano ang itsura nang aking pupuntahan, pagtrarabahuhan… Magkakahalong damdamin ang nooy aking nararamdaman… Kinakabahan, nalulungkot at may pagka excited… Kinakabahan dahil di ko pa alam kung ano ang mga mangyayari lalo na dito sa isang bansang iba ang kultura, strikto at maraming ipinagbabawal... Nalulungkot, in a way na naiwan ko ang aking mahal na pamilya at habang naiisip kong matagal-tagal kaming di magkikita.... Ngunit may pagka-excited din dahil first time kong mapunta sa ibang bansa at makita ang kanilang kakaibang gandang kalikasan.... Pero ano nga ba ang nakita ko? Halos puro disyerto!
Anyway, itong liham po na ito ay gawa ni Tserman kanina para kay Marco...
From: Marco
Sent: Tuesday, December 07, 2010 2:37 PM
To: R C. M
Salamat po ng marame Chairman!
From: R C. M
Sent: Tuesday, December 07, 2010 2:20 PM
To: Marco
To: Marco
Kabayang Marco… sa mga nakalipas na panahon natin dito sa Gitnang Silangan… lalo’t higit dito sa Tasnee kung saan nagkakila-kilala ang bawat isa… natunghayan ko ang iyong paglago sa pamamagitan ng palagiang pagkikita at sama-sama pagpapalipas ng mga oras natin dito sa ating pinaglilingkurang kumpanya… marami kang di nakagaanan ng loob, dumami ang iyong mga hinaing, nagkapatong patong ang bawat alalahanin… subalit ang mga ito’y maari mong balik balikan upang pumulot ng mga mumunting aral kung san ka pan dalahin ng kapalaran… Ikaw ang pinakabata sa grupo at nauunawaan namin pagka minsan ang madalian mong pagbabago ng pag iisip… marahil ay marami kang kadahilanang ikaw ang higit na nakababatid… subalit nawa’y matagpuan mo ang isang maayos na kumpanya at trabahong kagigiliwan mo upang patuloy mong maipamalas ang iyong sariling kakanyahan… doon ay patuloy mo kaming kaagapay… di ka man namin kapiling subalit ang sabi nga ng bibliya… kasama ka namin at kasama mo kami spiritually… Hangad namin ang tagumpay at naway patuloy kang patnubayan ng ating Dakilang Diyos… sumaiyo ang patuloy na paggabay nya sa bawat iyong balakin… at nais ko din ipaalala na nasasaad din sa Kaniyang Salita… na nasa tao ang paggawa ng balakin subalit tanging Diyos lamang ang nagbibigay ng katuparan… kayat patuloy mong saliksikin ang Kaniyang bawat pangako…
At nais ko din personal na ipabatid sa iyo na kailanman ay di ko tinawaran ang iyong kakayahan lalo’t higit ay maliitin ito… sa iyong paglisan nais kong burahin mo iyon sa iyong isipan… dahil ako’y naniniwala ang bawat tao ay mayroong pangsariling kakanyahan… hindi kita kailanman tinutuya… marahil ay iba nagiging interpretasyon mo sa biruang malimit maganap sa pagpapalitan ng ating mga kuro kuro…
Kung dumating man ang panahon kailanganin mo ang tulong ko sa muli mong paghahanap ng mapapasukan… sabihin mo lamang po.
Hanggang sa ating muling pagtatagpo… Pagpalain ka po ng ating Poong Maykapal.
RCM
Nawa ay maayos agad ang mga dapat ayusin at maibigay ang mga benipisyong nararapat… Kaya para sa iyo kapatid na Marco Carlo Garcia... Good luck sa iyong panibagong pakikidigma...
2 comments:
Galing tagalog talaga! :)
In this fashion my pal Wesley Virgin's autobiography starts in this shocking and controversial video.
As a matter of fact, Wesley was in the army-and soon after leaving-he revealed hidden, "MIND CONTROL" tactics that the CIA and others used to get whatever they want.
THESE are the same tactics tons of famous people (notably those who "come out of nowhere") and top business people used to become wealthy and successful.
You probably know how you use only 10% of your brain.
That's really because the majority of your brainpower is UNCONSCIOUS.
Maybe this expression has even occurred IN YOUR very own head... as it did in my good friend Wesley Virgin's head 7 years ago, while driving an unregistered, beat-up garbage bucket of a vehicle with a suspended driver's license and $3.20 on his banking card.
"I'm very frustrated with living paycheck to paycheck! Why can't I become successful?"
You took part in those conversations, right?
Your own success story is waiting to be written. You just have to take a leap of faith in YOURSELF.
CLICK HERE TO LEARN WESLEY'S SECRETS
Post a Comment