Showing posts with label Personal. Show all posts
Showing posts with label Personal. Show all posts

Tuesday, February 2, 2010

New Template

0 comments


Well, bisitahin ko muna ulit ang aking blog na bihira ko nang ma-update... Kahapon ay nasumpungan kong ayusin at baguhin ang template ng aking blog... Kung kaya't pagkatapos ng trabaho at pagkadating ng bahay ay dali-dali akong naghagilap ng bagong template format at gumawa ng panibagong header... Sa dami ng mga disensyong pumapasok sa aking isip ay kung ano-ano ang kinalabasan ng pilit kong pinapagandang header...


Ito po ang ilan sa mga aking nagawa...
Sa dami ng mga layout nang header parang naging over ang dating... Pero ang hirap naman ulitin kaya kahit na iisang format lang ang aking ginawa ay nakontento na ako dito sa huling layout na aking nagawa...
Medyo mukhnag komiks pero pwede na yan! Hehehehe... Kinatamaran ko na at masakit na ang aking mga mata sa kaka-ayos ng header at pati na layout nitong bagong template... Pinipilit na pagkasyahin, adjust ng width... adjust ng fonts... adjust ng widgets... Puro adjustment! Hahahahaha... Anyway, for me okay na yan and para lang mabago ang format ng aking blog na sa tinging ko ay wala nang gaanong bumibisita...

Wednesday, November 26, 2008

LP 35: Ang Pagwawagi!

10 comments
Paano nga ba ang mag-wagi o maging isang wagi? Kapansin-pansin sa aking inilakip na litrato ang kaka-ibang kulay ng isang itlog na maaring kumukuha ng iyong atensyon sa ngayon habang pinagmamasdan mo ito, dahil sa kanyang kaka-ibang kulay ay mas nagiging kapuna-puna... Maaring ang dating sa iba ay may kagandahan at maari rin naman ordinaryo lamang, pero paano naman kaya kung ang naging kulay ng itlog na ito ay itim? Siguro ay ma-iisip mo na parang naihantulad siya sa isang itim na tupa, na may hindi magandang impresyon... May nakakapag-isip din siguro na maaring maganda ang kanyang kulay sa iba pero ang nasa loob pala ay bulok na...

Sa ating pamumuhay, marami tayong nakakahalubilong iba't-ibang klaseng tao, iba-ibang pag-uugali at iba-ibang paniniwala... Napapansin natin ang kakaibang katangian nila at kung minsan ay mas napupuna pa natin ang pintas o mga maling nagagawa nila, kaysa sa kung ano ang kabutihan at kagandahan ng kanilang nagagawa o naibibigay... Siguro ay dahil sa kung minsan ay hinde natin nabibigyang halaga ang kanilang kagandahan o ang kabutihang naibabahagi sa lahat, na dapat ay atin din bigyang halaga at pasasalamat... Pero may mga tao din na tahimik lamang at inu-una pa ang kapakanan ng iba kaysa sa kanyang sarili, na mas ginugusto pang maging maligaya ang iba... May kanya-kanya talagang pamamaraan para ikaw ay magwagi, maaring madalas kang matalo sa laban, ngunit kapag ikaw ay nag-wagi na, ay may labis namang kasiyahan ang dulot... Maari din namang nag-wagi ka ngunit may kapalit namang mahahalagang bagay na kinakailangan mong isakripisyo...

Para sa akin, kung saan ka masaya at kung ano ang gusto mo ay yun ang gawin mo, hangga't wala kang ginagawang masama o hinde ka nakakapinsala at alam mong wala kang inaagrabyado, maaring nasa tamang lugar ka... Pilitin mong maabot ang mga gusto mo at sa oras na makuha mo ang iyong minimithi kahit sa simpleng bagay ay may labis kang kasiyahan na madarama at maari mong sabihin na ikaw ay nag-wagi...

Thursday, October 23, 2008

LP 30: LIWANAG

8 comments
Pagkatapos nang Apat na buwan... Ang inyo pong lingkod ay susubukang sumali at makibahagi sa sining nang photographiya... Medyo may katagalan ang aking pananahimik at pagkawalan dito... Matagal-tagal ko rin hinde na bigyang pansin ang aking blog at marami-rami rin akong napabayaang aktibidades... Paumanhin po sa lahat at hiling ko sa inyo ang inyong mumunting pang unawa...


Sa aking muling pagsali at pagbabahagi... Lalo na sa thema ngayon na may pinamagatang LIWANAG... Para sa akin ay ito ang larawan aking maibabagagi at makakapag bigay expresyon nang aking nais sabihin...


Salitang LIWANAG... Maraming kahulugan at mraming ipinapahayag... Sa ngayon ang dating sa akin nang salitang LIWANAG ay aking maikukumpara sa pang araw-araw na pamumuhay... Lalo na sa ngayon na kay raming problema na ating hinaharap...

Inilakip ko ang larawan na ito upang magbigay simbolo sa lahat na sa bawat araw na darating sa ating buhay ay may panibagong pagkakataon at Liwanag na magbibigay pag-asa... Pag-asa na upang tayo at magbago... magsumikap... at magkaroon nang panibagong pagkakataon at pag-asa na magkaroon nang magandang kinabukasan...

Hinde natatapos ang lahat dahil sa isang kasawian O di kaya pagsaubok sa ating buhay... Isipin natin na sa bawat pag sikat nang haring araw sa panibagong araw ay mayroon tayong pag-asa at pagkakataon...

Thursday, January 10, 2008

Updates lang...

1 comments
Haayyss... Life, life, life... Before anything else, HAPPY NEW YEAR to all kahit medyo late na po ang aking pagbati... Welcome 2008, I hope maging mas maganda and maraming blessing pa ang ibigay sa atin ngayong 2008... Kahit na hindi gaanong maganda ang pag-pasok ng new year sa akin, hindi parin ako nawawalan ng pag-asa na magiging smooth parin ang lahat, lalo na pag dating dito sa work... Haayyyssss... Kapit lang! Kapit lang at magiging maayos din ang lahat, sakyan na lang ang pag-uugali ng mga katotobo dito... No choice kung hindi sumang-ayon at sumunod nalang... Wait, wait, wait... Hold muna, break muna... Hindi magandang kwento ang mga yan... Change topic muna ako, doon tayo sa mga magaganda at masasayang kwento...

Let me start by congratulating Pareng Niko (
kneeko)... Because he already proposed to his one and only love (Alda)... For sure excited na si kneeko na maghintay sa dulo ng aisle habang lumalakad palapit sa kanya si Alda... Sana masaksihan namin yung eksena na yun Pareng Niko, kung saan at kailan... Sabihin mo lang and susubukan kong pumunta sa abot nang aking makakaya... Pag sa Ausie ang wedding, padalan nyo kami visit visa huh! Yung request mo next Month ginagawan ko na nang paraan para makapag contribute me kahit kaunti sa inyong dalawa... Basta sagot mo plane ticket ko huh! Hahahahaha... Congrats Bro!

Another thing is I bought new macro lens which is
Sigma 105mm f2.8 EX DG Macro as a Christmas gift for my self. Ahihihi... Now I can start a new style of photography... But hindi parin sya sapat sa gusto kong shots kaya pag-iipunan ko pa ang mga extension tubes para ma-magnify at makagawa ako ng mga kakaiba at di kadalasang nakikita ng ating mga mata... Gusto ko kasing pasukin ang mundo ng mga maliliit na bagay... Nakaingganyo kasi ang mga macro shots ni Sir Arbil kung kaya’t nais ko rin itong subukan at tularan...

Ang isa ko pang inaasam-asam ay ang
Canon 70-200mm F2.8 L IS USM Lens... Sadyang gustong-gusto ko ang lens na ito ngunit may kamahalan nga talaga... Laging ngang tulo laway ako sa tuwing makikita ko ito at lalo pang nakakdagdag akit kapag nababasa ko ang mga reviews tungkol dito... Haaayyy! Hinga nalang ng malalim... Sana nga magkaroon ako, once na meron na ako nito... KHALAS! Siguro naman makokontento na ako sa accessories nang camera ko... Pwede nang sumabak at susubukang makipagsabayan sa panibagong digmaan ng photography...

Thursday, December 6, 2007

My Christmas Wish...

1 comments
Wishes… Wish, wish wish… Star light, star bright, the first star I see tonight, I wish I may, I wish I might, have the wish I wish tonight… Ay mali! Christmas wish nga pala, ang assignment na binigay sa akin ni malaya

I wish for all the best syempre… For my family, I wish that we are all together to celebrate Christmas… Attend the Misa del Gallo and have a simple Noche Buena… and I hope this will happen next year… Medyo complicated kasi ang sitwasyon sa ngayon… Good health for all of course… More good luck and happy living…

For my own interest… Well, I am not choosey naman, I prefer for a Ford GT or Ferrari Enzo for me, a metallic pink Porsche GT3 for my wife, Yacht when I want to go fishing, a couple of condo and house in Ayala Land, to have my own beach resort in Bora and own business that have enough earnings to cover all of these… Hahahahaha… Mangarap daw ba!? Seriously, first, to have our own house for my family… Location? Not yet decided, ‘Coz maybe we migrate to U.S. but syempre iba parin ang nasa sariling bayan… So, for now we keep our savings and later on pag settled na lahat we can start building our own house in Bulacan like what we planned before and so on… Secondly, t
o enhance my knowledge in photography and hopefully makilala rin… Last but not the least, more success and achievements to come… Not only to myself but for all of us…

What else? I guess, I will reserve my other wishes for next year, gusto ko kasi matupad din yung mga wish ko and hoping matupad nga… Minsan naman kahit na hindi ka nag-wish, nabibigay naman agad, either in financial, material or health… It will depend nalang kung masasatisfy ka or hindi… But be thankful parin ‘coz you may consider it a good luck or let’s say a blessing…

Well as masterbetong saids into his blog... Hindi ko rin nakagawiang magpasa-pasa nang tag, 'coz later on bumabalik din sa akin yung mga tags na napasa ko... So if you got to read this & wishing to do the same, feel free to do it. Masaya ito, sabi nga ni masterbetong... (Ginaya ko na master!) Hahahaha...

Statistics

Add to Technorati Favorites

Followers

Powered By Blogger
 

E S P I Y A N G ~ M A N D I R I G M A. Copyright 2010 All Rights Reserved