Showing posts with label Reminiscing. Show all posts
Showing posts with label Reminiscing. Show all posts

Sunday, February 21, 2010

Araw Mo Ngayon (Happy Birthday Sir Edgar)

1 comments
Well, well, well... Ngayong ika 21 ng Pebrero ay ang kaarawan ni Ginoong Edgar Reyes... Nais ko ding magbigay pagbati sa pamamagitan ng pag post dito sa aking blog na tulad rin nila Tserman, squareseven and Dante sa kanyang blog na dantespeaks, na meroong pagbati na ipinaskil sa kani-kanilang blog... Kaya ito naman po ang sa akin...

Ito ang mga larawan nang kanyang paghahanda o pagbabahagi at pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong mga nakaraang taon...

Taong 2006... Ginanap sa China House Restauran, isang damakmak ang order na binusog ang lahat...
Di lang sa China House nagtapos ang pagdiriwang, nagkayayaan pa sa Baskins & Robbins kahit na taglamig ay sige parin ang lahat... LIBRE! LIBRE!
Taong 2007 : na ginanap naman sa Mubarak Building... Kung saang nagdadagan ang mga miyembro ng ADIK… Isang kaarawang ni Sir Ega na nagakasayahan muli ang buong ADIK... Ang ibang detalye ay naipaskil ko na noon dito... (LINK)
Taong 2009 : Nakaraang taon naman ay ginanap sa TASNEE Beach Camp, at pinagsabay ang kaarawan ni Ginoong James...
Taong 2010 : Sinimulan ng LCS TEAM ang pagbati sa kanyang kaarwan kaninang umaga at tulad ng nakagawian, may simpleng cake party na surpresa...
At siyempre di lang diyan nagtatapos, simula palang iyan ng kanyang pagdiriwang ng kanyang ika 40 kaarawan... Abangan!

Para sa iyo Sir, wala man akong gaanong nasabi at mabilisan man itong aking pagbati at pag-gawa nito... Isang maligaya at masaganang kaarawan ang aking pagbati para sa isang matulungin, mabait, maunawain, at mabuting kaibigan...

Sunday, May 11, 2008

Maligayang Araw Inay...

4 comments
Ilang mother's day na ang nag-daan at maraming beses ko narin na-mi-miss ang aking Inay... Hindi lang tuwing mother's day kung hindi sa tuwing makakakita ako nang mga bagay na magpapa-alala nang aming nakaraan... Sadyang kay hirap ngang mawalay sa Ina lalo na at kung ikaw ay musmos pa lamang... Tulad nalang nang aking kapatid na dalawang taong gulang pa lamang noong mawala ang aming mahal na Ina... Dalawang taon lamang nyang naramdaman ang pagmamahal at pagaaruga ni Inay... Di tulad ko na medyo nakaranas nang mga kaluhuan at pagmamahal ng Ina, pagaasikaso at mahigpit na pagyakap, katabing matulog at pag-pasyal-pasyal... Bili mo ako noon, bili mo ako nyan... Gusto ko ito! Sa bawat hiling ko lahat ay naibibigay... Lahat ay aking naalala, ngunit nakakalungkot aalalahanin kapag sadyang wala na ang aming mahal na Ina ay wala na sa aming piling... Iba talaga ang pagmamahal nang tunay mong Inay at sadyang walang kapantay... Kaya sa aming mahal na Ina, alam kong hindi mo man kami nakakasama sa ngayon, ay nandyan ka parin at gumagabay sa amin... Hindi man sa physical alam namin na may pamamaraan ka parin upang kami ay subaybayan at gabayan... Kaya sa aming pinakamamahal na Inay... Maraming salamat sa lahat nang iyong pagmamahal, mga paghihirap, mga nagawa at paga-aruga... Sana ay naipadama namin sa iyo ang aming pasasalamat... Happy Mother's Day Mom...


Para sa aking mahal na asawa... Alam ko ang iyong mga paghihirap at pagti-tiis na iyong ginagawa, mga sakripisyo para sa kinabukasan nang ating mga supling... Ang pangungulila sa iyong mga mahal... Dag-dagan lang ang ating panalangin at pagtitiwala't tayo ay makakaraos din... Salamat sa lahat ng iyong mga pag-uunawa't pagmamahal kahit na tayo'y magkalayo sa isa't-isa... Naniniwala ako na sa kaunting panahon nalang at sa kaunting sakripisyo nalang, nawa'y makamit din natin ang ating mga mithiin... Ako ay nagpapasalamat sa dakilang may likha sa atin at biniyayaan ako nang isang mapagmahal na asawa at matatag na Nanay nang ating mga anak... Maraming salamat at maligayang araw nang mga Nanay sa iyo mahal ko...

Sa lahat nang mapagmahal na Ina... Araw nyo ay ngayon... Maligayang araw nang mga Nanay sa lahat...

Thursday, May 1, 2008

LP #5 : MALUNGKOT

12 comments
Araw na naman po nang Huwebes at syempre araw na naman nang paglahok sa Litratong Pinoy Medyo may kalungkutan nga lang ito sa ngayon sa kadahilanang ang tema ngayon tungkol sa malungkot... Medyo hirap akong pumili nang litratong aking ilalahok sa kadahilanang wala naman po akong gaanong kuha na nagpapahiwatig nang kalungkutan... Sana ay magustuhan ninyo itong aking mga inilakip na litrato...
Kandila
Ito po ay kinuhanan ko noong nakaraang undas... Datapwat naririto kami sa ibang bansa, ipinagtitirik parin namin ang aming mga mahal sa buhay na namayapa...

Drama
Ito naman po ay kuha ko noong nakaraang taon sa isang pagsasadula na ginanap sa Al-Khobar... Nakalimutan ko na kung bakit siya napapaiyak diyan? Hindi nya kasi malaman kung sino ang uminom nang tubig sa basong pinaglalagyan nya nang pustiso... (Biro lang po!) :D

Lumbay
Ito naman po ay kuha ko noong nakarang taon din sa pag-gunita nang All Filipino Community Day... Tila malayo ang tingin at iniisip ang kanyang pamilya na kanyang labis na hinahanap-hanap... Hirap nga naman kapag ikaw ay nangimabang bayan at ang mga iyong mahal ay iniiwan panamantala at wala sa piling mo.... Sadyang hindi mo minsan maiiwasan ang malumbay at mangulila...

Thursday, March 6, 2008

Chocolate Crinkles

2 comments

It’s nice to know that the much awaited bakeshop here in Jubail is now open... Before kasi ako magbakasyon usap-usapan na nga yung bake shop na magbubukas and also owned by Larry who is the owner of Pansitan Restaurant... Knowing na Filipino ang owner and sa kadahilanang naging famous din ang kanyang Pansitan dito sa Jubail... Ay teka, hindi lang pala dito sa Jubail but also in Khobar and Dammam... Dumadayo pa ang ating ibang mga Kababayan from there going here just to taste and experience what Pansitan has...

Anyway, lets go back to the bakeshop kung saan natikman ko yung kanilang chocolate crinkles na one of my favorite... I took some shot using my N73, Pasensya na po sa shots, galing po kasi kami ng office kung kaya’t hindi ko dala yung aking camera... Anyways, before kasi when I was a kid... One of my Tita owns a small bakeshop in Hagonoy and doon ko unang nagustuhan yung chocolate crinkles and her brownies... Every summer vacation, when I and my Mom visit there... Almost half noong tray ng brownies and chocolate crinkles is sa akin lang then the rest will be for the customers... So since then tuwing summer or pag nalaman ng Tita ko na darating kami, she will then prepare and bake more brownies and chocolate crinkles... Actually she made one especial brownies only for us... Yung bang parang rocky road and ingredients ‘coz she put different kinds of nuts and marshmallows, then ang pinaka gusto ko is crispy yung ibabaw then yung texture nya inside is makunat... Tapos tamang-tama lang yung sweetness and yung taste ng chocolate is swak na swak... Goossshhhhh! Naglalaway na ako! Hahahahaha... Medyo costly nga lang yung ingredients na ginagamit ni Tita, if I’m not wrong the name of the brand she’s using is Fairytale Brownies and not just an ordinary cocoa or chocolate powder... Kung kaya’t medyo costly din ang selling per piece...

Again back to Ribbons bakeshop, I like the ambience and the arrangements, medyo cozy ang dating for me and then while looking around and checking some cakes, cookies, and breads... Napansin ko na yung chocolate crinkles, eh wala naman free taste kaya, order me ng 10 pieces for us... The taste is good and delicious, I like it and isa yun sa binabalik-balikan ko... Pero hinahanp-hanap ko parin yung kagaya ng pagkaka-bake ni Tita, they have their own secrets talaga pag dating sa presentations, preparations, and ingredients ng kanilang mga recipe. Sana pala inalam ko yung secret na yun! Hehehehe...

Kaya sa Ribbons Bakeshop... Three stars ang rating mo from me... I guess, mag dagdag lang nang mga other blends of coffee with similarity to Figaro or Starbucks and then additional space for family section, for sure mas dadami ang customers and mas makikilala pa ang bakeshop na ito...

Thursday, November 1, 2007

Memories...

1 comments

..1st of November… Noong bata ako ang akala ko pag November 1, ay araw nang mga nakakatakot… Kasi naman halos lahat nang palabas sa T.V. is puro katatakutan and kababalaghan… Mga kwento tungkol sa multo at kung ano-ano pa… Dyan pa yung nagtitipon-tipon kayong magkakalaro and then nagkwe-kwentuhan nang mga nakakatakot, scary experience… or di kaya talagang mananakot kayo… Pero ang November 1 is All Saint’s Day diba!? And ang November 2 naman ang All Soul’s Day... So ano ang nakakatakot doon!? Kaya while time passing by, medyo nababago paunti-unti ang aking pananaw… As I remember, after ko mabisita si mom dadaan pa muna ako sa mga friends ko and papasyal kami sa ibang cemetery… Makikiupo at makikitulos sa ibang libingan pero ang pakay pala ay yung crush nyang girl, na panay pa-cute naman… Hahahaha… Then yung iba, magi-ipon pa noong mga natunaw na kandila then gagawing bola… Then pag medyo mabigat-bigat na is binebenta doon sa kanto… I gues… 10 Peso yata per kilo ang bentahan noon… Yung iba mautak pa! Nilalagyan pa nang bato para bumigat! Pero syempre mas mautak yung bumibili, kasi dudurgugin nya yung mga kandilang binilog bago nya timbangin... Ang ginagawa ko naman is iniipon ko rin yung mga candle wax then gumagawa ako nang heart shape, then I kept it and put it beside my altar... I did the same too last year… Now lang ako hindi nakagawa ‘Coz ginawa kong subject for my phtogoraphy yung candle and one more thing is walang gaanong patak yung candle na sinindihan ko…

The Heartshape I made last year

..Anyway, hindi ko man nabisita ang himlayan nang aking mother ngayon and my other relatives on their memorial… I say a little prayer for them and remember those happy day’s when we we’re together… Those good times and memories they shared with me… The laughter’s, the things they gave and they taught me many things in life…

..For my Mom, thank you so much for everything... Even we spent a little time in this world… I know how much you love us; your family and the things you’ve given and done for us are un-replaceable… The love that’s still here with me… Same with my Grandpa’s Grandma, Uncle’s…. I am very thankful for all of you who have been part of my life... I miss you all…

Statistics

Add to Technorati Favorites

Followers

Powered By Blogger
 

E S P I Y A N G ~ M A N D I R I G M A. Copyright 2010 All Rights Reserved