Tuesday, December 7, 2010

Endo...

2 comments
Isa sa aming kasamahan, kaibigan at itinuturing kong kapatid ang sa ngayon ay magtatapos ng kanyang kontrata ng trabaho, ngunit wala paring kasiguraduhan ang nakatakda sa kanyang pag-uwi… Sa loob nang dalawang taon na ang katumbas ay isang kontratang pagtrarabaho dito sa gitnang silangan ang kanyang pinirmahan, first timer mag abroad at walang kamaang-maang sa kanyang patutunguhan… Naalala ko noon, gaya nya walang idea kung ano ang itsura nang aking pupuntahan, pagtrarabahuhan… Magkakahalong damdamin ang nooy aking nararamdaman… Kinakabahan, nalulungkot at may pagka excited… Kinakabahan dahil di ko pa alam kung ano ang mga mangyayari lalo na dito sa isang bansang iba ang kultura, strikto at maraming ipinagbabawal... Nalulungkot, in a way na naiwan ko ang aking mahal na pamilya at habang naiisip kong matagal-tagal kaming di magkikita.... Ngunit may pagka-excited din dahil first time kong mapunta sa ibang bansa at makita ang kanilang kakaibang gandang kalikasan.... Pero ano nga ba ang nakita ko?  Halos puro disyerto! 


Anyway, itong liham po na ito ay gawa ni Tserman kanina para kay Marco...

From: Marco 
Sent: Tuesday, December 07, 2010 2:37 PM
To: R C. M


Salamat po ng marame Chairman!
 
From: R C. M
Sent: Tuesday, December 07, 2010 2:20 PM
To: Marco
Kabayang Marco… sa mga nakalipas na panahon natin dito sa Gitnang Silangan… lalo’t higit dito sa Tasnee kung saan nagkakila-kilala ang bawat isa… natunghayan ko ang iyong paglago sa pamamagitan ng palagiang pagkikita at sama-sama pagpapalipas ng mga oras natin dito sa ating pinaglilingkurang kumpanya… marami kang di nakagaanan ng loob, dumami ang iyong mga hinaing, nagkapatong patong ang bawat alalahanin… subalit ang mga ito’y maari mong balik balikan upang pumulot ng mga mumunting aral kung san ka pan dalahin ng kapalaran… Ikaw ang pinakabata sa grupo at nauunawaan namin pagka minsan ang madalian mong pagbabago ng pag iisip… marahil ay marami kang kadahilanang ikaw ang higit na nakababatid… subalit nawa’y matagpuan mo ang isang maayos na kumpanya at trabahong kagigiliwan mo upang patuloy mong maipamalas ang iyong sariling kakanyahan… doon ay patuloy mo kaming kaagapay… di ka man namin kapiling subalit ang sabi nga ng bibliya… kasama ka namin at kasama mo kami spiritually… Hangad namin ang tagumpay at naway patuloy kang patnubayan ng ating Dakilang Diyos… sumaiyo ang patuloy na paggabay nya sa bawat iyong balakin… at nais ko din ipaalala na nasasaad din sa Kaniyang Salita… na nasa tao ang paggawa ng balakin subalit tanging Diyos lamang ang nagbibigay ng katuparan… kayat patuloy mong saliksikin ang Kaniyang bawat pangako…
 
At nais ko din personal na ipabatid sa iyo na kailanman ay di ko tinawaran ang iyong kakayahan lalo’t higit ay maliitin ito… sa iyong paglisan nais kong burahin mo iyon sa iyong isipan… dahil ako’y naniniwala ang bawat tao ay mayroong pangsariling kakanyahan… hindi kita kailanman tinutuya… marahil ay iba nagiging interpretasyon mo sa biruang malimit maganap sa pagpapalitan ng ating mga kuro kuro…
 
Kung dumating man ang panahon kailanganin mo ang tulong ko sa muli mong paghahanap ng mapapasukan… sabihin mo lamang po.
 
Hanggang sa ating muling pagtatagpo… Pagpalain ka po ng ating Poong Maykapal.
 
RCM

Nawa ay maayos agad ang mga dapat ayusin at maibigay ang mga benipisyong nararapat… Kaya para sa iyo kapatid na Marco Carlo Garcia... Good luck sa iyong panibagong pakikidigma...

Tuesday, November 23, 2010

Salamat, Thanks, Dankie, Shukran

3 comments
Thank you, Lord, for simple things
that brighten every day
like sunshine in the morning
and daffodils in May.

Thank you, too, for friends who care
when tears begin to fall
and thank you, too, for answered prayer...
the greatest gift of all!

Thank you for each spring bouquet
and for the summer rose,
for rainbows in the meadow
and every stream that flows.

Thank you, Lord, for simple things
which really are quite grand
for each one is a miracle
wrought by the Master's hand!

For all You have given,
For all You have withheld,
For all You have withdrawn,
For all You have permitted,
For all You have prevented,
For all You have forgiven me,
Thank You Lord...

Sunday, August 22, 2010

2010 Pinoy Expats/OFW Blog Awards

1 comments
I am an avid supporter of this project. As an OFW, this project made an abundant contribution. Blogging serves as an instrument for people who are considered the modern heroes to voice out their lives abroad, agonies, opinions, struggles, and many more to mention... Blogging serves as a weapon to overcome homesickness helping the OFW blogger's as well as the OFW reader's...

Dante Speaks is a blog of a friend of mine. If you have spare time, I recommend you visit his blog and read some of his posts especially me and my family, opinions, fine dining and more... By the way, his reviews about several restaurants he visited were very intriguing that I am very eager to visit one.

Cast your vote HERE... Happy blogging...

Wednesday, June 9, 2010

Win a Free Boracay Vacation Package by WOW Philippines Travel Agency

0 comments

WOW Philippines Travel Agency, Inc. is celebrating it's 5th year in business during July of 2010, and we would like you to have a chance to celebrate with us, so we have decided to give-away a FREE Boracay Package complete with 5 Star accommodations at the luxurious Le Soleil de Boracay Hotel on Boracay Island. The lucky winner will win the following Boracay vacation package.

Vacation Package Inclusions:
- 5 Days / 4 Nights Luxury 5 Star Accommodations at the Le Soleil de Boracay Hotel
- Flights to Boracay from Manila to Caticlan Airport on Philippine Airlines
- Island Transfers - Door-to-Door from Manila to the resort and back to Manila Domestic Airport
- Three (3) Meals each day, Breakfast, Lunch & Dinner
- Boracay Activities - Horseback Riding, Island Hopping, Glass Bottom Boat
- PLUS - 5,000 peso Spending Cash

Read More Information: http://wowphilippinestravelagency.com/

Sunday, February 21, 2010

Araw Mo Ngayon (Happy Birthday Sir Edgar)

1 comments
Well, well, well... Ngayong ika 21 ng Pebrero ay ang kaarawan ni Ginoong Edgar Reyes... Nais ko ding magbigay pagbati sa pamamagitan ng pag post dito sa aking blog na tulad rin nila Tserman, squareseven and Dante sa kanyang blog na dantespeaks, na meroong pagbati na ipinaskil sa kani-kanilang blog... Kaya ito naman po ang sa akin...

Ito ang mga larawan nang kanyang paghahanda o pagbabahagi at pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong mga nakaraang taon...

Taong 2006... Ginanap sa China House Restauran, isang damakmak ang order na binusog ang lahat...
Di lang sa China House nagtapos ang pagdiriwang, nagkayayaan pa sa Baskins & Robbins kahit na taglamig ay sige parin ang lahat... LIBRE! LIBRE!
Taong 2007 : na ginanap naman sa Mubarak Building... Kung saang nagdadagan ang mga miyembro ng ADIK… Isang kaarawang ni Sir Ega na nagakasayahan muli ang buong ADIK... Ang ibang detalye ay naipaskil ko na noon dito... (LINK)
Taong 2009 : Nakaraang taon naman ay ginanap sa TASNEE Beach Camp, at pinagsabay ang kaarawan ni Ginoong James...
Taong 2010 : Sinimulan ng LCS TEAM ang pagbati sa kanyang kaarwan kaninang umaga at tulad ng nakagawian, may simpleng cake party na surpresa...
At siyempre di lang diyan nagtatapos, simula palang iyan ng kanyang pagdiriwang ng kanyang ika 40 kaarawan... Abangan!

Para sa iyo Sir, wala man akong gaanong nasabi at mabilisan man itong aking pagbati at pag-gawa nito... Isang maligaya at masaganang kaarawan ang aking pagbati para sa isang matulungin, mabait, maunawain, at mabuting kaibigan...

Thursday, February 18, 2010

Litratong Pinyo: Batik/Mantsa

4 comments
.
Litratong Pinoy Entry
.

.
Isang magandang araw po ng Huwebes muli... Sa ngayon ang aking maibabahagi sa themag Batik/Mantsa ay ang aking isa sa alagang
Guppy.
Ang mga batik sa bahagi ng kanyang buntot at palikpik ay nakaka-akit at nagbibigay din nang kanyang pagkakakilanlan sa mga kauri niyang guppy...

Tuesday, February 16, 2010

Sulat ni Nanay at Tatay sa Atin

0 comments

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggano nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihanang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihanng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akongtulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man aynagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin As ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihinang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman,huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamayAt bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana…. Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina…

By Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
I guess this letter was since 2007... Matagal ko na rin itong nababasa and nagsi-circulate sa email... Very touching, actually napaluha ako nang hinde ko namamalayan noong first time kong nabasa ito... Kaya ito bumalik ulit sa akin ang sulat na ito, muling kong binasa at muli akong nakarelate, kung kaya't kahit na hinde ako ang sumulat nito ay binigyan ko nalang ng kaunting design at iniayos upang kahit papaano ay may maibahagi ako...

Thursday, February 11, 2010

Litratong Pinoy: Iyo (yours)

2 comments

Litratong Pinoy Entry

.
Magandang araw po ng Huwebes sa lahat... Ang thema sa araw na ito ay "IYO"... Ang aking maibabahaging litrato ay ang isdang ito...

Habang nagiikot kasi ako noon ay nakakita ako ng isang aquarium may kamurahan at kagandahan kung kaya't napabili ako upang ilipat na ang aking mga gold fish at guppies... kinabukasan ay dinala ko ang mga naging anak nila Dwarfen at Traxex (Dwarf Hamster) sa pet shop upang maibenta... Habang ako ay nagmamasid may mga fighting fish na umagaw ng aking atensyon at napagmasdan ang kanilang magaganda at matitingkad na kulay... Siguro ay inakala ng mayari ng Petshop na gusto ko ito kung kayat nasabi niyang "If you want take it... it's your's for free"... Aba! Di na ako tumanggi, free weh! Hehehehehehe...

Saturday, February 6, 2010

I wish...

0 comments
As I do surfing the net and checking for a new DSLR Camera, 'coz I want to upgrade into a latest, modern DSLR Camera yet affordable... And because I'am a Canon user I want to by the same brand... So when I do searh on Google it suprisingly show me a new Canon EOS 7D...
This was released last 1st of September 2009: Canon unveils the EOS 7D digital SLR camera – a completely new design to meet the specific demands of photographers. Incorporating a new 18MP APS-C CMOS Sensor, developed by Canon, the EOS 7D also features: Dual “DIGIC 4” processors to offer fast, high-quality performance in all light conditions, an ISO range expandable to 12,800 and continuous shooting at 8 frames per second – without the need for additional accessories. Impressive technologies are matched by excellent build-quality designed with the photographer in mind – to create a whole new photographic experience.

Features:
  • New 18-megapixel Canon CMOS sensor
    New 19-point Autofocus system with new AF area selection modes including Spot and Zone AF mode
    Dual DIGIC 4 Imaging Processors with 14-bit A/D data conversion driving 8 fps capture
    New 63-zone iFCL (Intelligent Focus, Color, Luminance) Metering System
    New Intelligent Viewfinder with liquid crystal overlay and near 100% coverage
    ISO speed settings from 100-6400 (expandable to 12,800)
    Full 1080p HD video capture with selectable frame rates of 24p, 25p or 30p (50p or 60p at 720p HD and SD)
    New buttons including the Quick Control Button and a dedicated Live View/Video Recording button
    New 3" solid structure Clear View II LCD screen with 920,000 dot/VGA resolution
    New Integrated Speedlite Transmitter for control of multiple off-camera EOS Speedlites
    New built-in Dual Axis Electronic Level featuring an artificial horizon showing both horizontal roll and vertical pitch
    Weather sealing and solid build
    With the new WFT-E5A wireless file transmitter, new wireless connectivity features
Package:
  • ₪ Eyecup Eg (Not Shown)
    ₪ Wide Neck Strap EW-EOS7D
    ₪ Stereo AV Cable AVC-DC400ST
    ₪ USB Interface Cable IFC-200U
    ₪ Battery Pack LP-E6
    ₪ Battery Charger LC-E6
    ₪ EOS Digital Solution Disk
    ₪ Software Instruction Manual (not Shown)
Check the review here...

Wednesday, February 3, 2010

Litratong Pinoy: Akin (mine)

5 comments
Litratong Pinoy Entry

Akin!?! Ano nga ba ito? Akin ba o ina-angkin? Para sa akin, inilahok ko ang kuha kong ito na makikita ang bulaklak na tila nabubukod tangi sa mga katulad niya... Magkakahawig man sila pero may kanya-kanya siguro silang katangian at kung kaya't sa dinadami ng gaya niya ay sa bulaklak na ito nabaling ang aking atensyon kung kaya siguro doon ko nabigyang pansin at ituon ang lente ng aking camera at bigyang pansin ang para sa akin ay kakaibang katangian nito...

Tuesday, February 2, 2010

New Template

0 comments


Well, bisitahin ko muna ulit ang aking blog na bihira ko nang ma-update... Kahapon ay nasumpungan kong ayusin at baguhin ang template ng aking blog... Kung kaya't pagkatapos ng trabaho at pagkadating ng bahay ay dali-dali akong naghagilap ng bagong template format at gumawa ng panibagong header... Sa dami ng mga disensyong pumapasok sa aking isip ay kung ano-ano ang kinalabasan ng pilit kong pinapagandang header...


Ito po ang ilan sa mga aking nagawa...
Sa dami ng mga layout nang header parang naging over ang dating... Pero ang hirap naman ulitin kaya kahit na iisang format lang ang aking ginawa ay nakontento na ako dito sa huling layout na aking nagawa...
Medyo mukhnag komiks pero pwede na yan! Hehehehe... Kinatamaran ko na at masakit na ang aking mga mata sa kaka-ayos ng header at pati na layout nitong bagong template... Pinipilit na pagkasyahin, adjust ng width... adjust ng fonts... adjust ng widgets... Puro adjustment! Hahahahaha... Anyway, for me okay na yan and para lang mabago ang format ng aking blog na sa tinging ko ay wala nang gaanong bumibisita...

Statistics

Add to Technorati Favorites

Followers

Powered By Blogger
 

E S P I Y A N G ~ M A N D I R I G M A. Copyright 2010 All Rights Reserved