Wednesday, October 29, 2008

LP 31: Kadiliman

19 comments
Isang magandang araw ng Huwebes ang aking pagbati... Ano nga ba ang minsan mayroon sa kadiliman? Minsan, ito ay kinakatakutan at kuminsan naman ay kina-aaliwan... Sa thema ngayon ay tila yata napapanahon sa papalapit na araw ng mga patay, kung kaya ay ito ang larawan na ito ang aking inilakip...

Hindi ba at kay kagandang tignan ang paligid sa gabi kapag kabilugan nang buwan? Ang iba ay nagtatakutan, ang iba ay naglalaro ng taguan at ang iba naman ay naglalambingan...

Dito sa gitnang silangan kung saan ako'y kasalukuyang naroon, may kahirapan ang maglakad sa kadiliman... Walang kasiguraduhan ang iyong kaligtasan at di mo alam kung mayroon bang panganib na naghihintay kung kaya't hinde mo na pipiliin pang dumaan at maglakad sa dilim... Siguro naman ay kahit saang lugar lalo na at kung ikaw ay isang dayuhan sa ibang bayan ay talgang nakakatakot lumakbay sa kawalan... Hindi mo alam kung ano ang mayroon at tila ba isa kang bulag na mangangapa sa dilim...

Thursday, October 23, 2008

LP 30: LIWANAG

8 comments
Pagkatapos nang Apat na buwan... Ang inyo pong lingkod ay susubukang sumali at makibahagi sa sining nang photographiya... Medyo may katagalan ang aking pananahimik at pagkawalan dito... Matagal-tagal ko rin hinde na bigyang pansin ang aking blog at marami-rami rin akong napabayaang aktibidades... Paumanhin po sa lahat at hiling ko sa inyo ang inyong mumunting pang unawa...


Sa aking muling pagsali at pagbabahagi... Lalo na sa thema ngayon na may pinamagatang LIWANAG... Para sa akin ay ito ang larawan aking maibabagagi at makakapag bigay expresyon nang aking nais sabihin...


Salitang LIWANAG... Maraming kahulugan at mraming ipinapahayag... Sa ngayon ang dating sa akin nang salitang LIWANAG ay aking maikukumpara sa pang araw-araw na pamumuhay... Lalo na sa ngayon na kay raming problema na ating hinaharap...

Inilakip ko ang larawan na ito upang magbigay simbolo sa lahat na sa bawat araw na darating sa ating buhay ay may panibagong pagkakataon at Liwanag na magbibigay pag-asa... Pag-asa na upang tayo at magbago... magsumikap... at magkaroon nang panibagong pagkakataon at pag-asa na magkaroon nang magandang kinabukasan...

Hinde natatapos ang lahat dahil sa isang kasawian O di kaya pagsaubok sa ating buhay... Isipin natin na sa bawat pag sikat nang haring araw sa panibagong araw ay mayroon tayong pag-asa at pagkakataon...

Statistics

Add to Technorati Favorites

Followers

Powered By Blogger
 

E S P I Y A N G ~ M A N D I R I G M A. Copyright 2010 All Rights Reserved