Ang bilis ng mga nagdaang araw... Tila di ko napansin na ngayon ay araw na naman pala ng Huwebes. Kahit medyo abala, nais kong ipaskil ito upang makalahok ulit sa Litratong Pinoy... Ang tema naman po sa ngayon ay Tubig... Ang isa sa may pinaka importanteng bahagi na bumubuo sa mundo, hayop, halaman at sang katauhan... Halos 71% ng mundo ay binubuo ng katubigan at gayon din sa kabuuan nang mga likhang namumuhay dito...
Tubig...
Ang susunod pong mga kuha ay noong nakaraang taon pa (2007) nang kami ni master ay pumasyal sa lugar nila Pareng Tirso sa Antipolo.... Halos mahigit tatlong oras namin tinawid ang dalawang bundok sa kahahanap lamang ng talon... Sa kasawiang palad, hindi namin ito natunton sa kadahilanang aabutan na kami ng takip silim at nakalimutan din naming mag-baon ng tubig na pamatid uhaw sa aming paglalakbay... Kasalanan ito noong Ale sa may Hanging Bridge.... Ang sabi malapit lang daw! Eh, Dalawang bundok na ang aming natawid, wala parin ang talon... Hanggang sa lumabas na kami sa isang bayang patungong Montalban at pabalik ng Marikina...
Si master habang hingal na hingal at naghuhugas sa dumadaloy na tubig mula sa Bundok... Kailan kaya mauulit ang ganitong paglalakbay? Sa susunod ay amin nang sisiguraduhing may dala-dala kaming pamatid uhaw....