Sa ating pamumuhay, marami tayong nakakahalubilong iba't-ibang klaseng tao, iba-ibang pag-uugali at iba-ibang paniniwala... Napapansin natin ang kakaibang katangian nila at kung minsan ay mas napupuna pa natin ang pintas o mga maling nagagawa nila, kaysa sa kung ano ang kabutihan at kagandahan ng kanilang nagagawa o naibibigay... Siguro ay dahil sa kung minsan ay hinde natin nabibigyang halaga ang kanilang kagandahan o ang kabutihang naibabahagi sa lahat, na dapat ay atin din bigyang halaga at pasasalamat... Pero may mga tao din na tahimik lamang at inu-una pa ang kapakanan ng iba kaysa sa kanyang sarili, na mas ginugusto pang maging maligaya ang iba... May kanya-kanya talagang pamamaraan para ikaw ay magwagi, maaring madalas kang matalo sa laban, ngunit kapag ikaw ay nag-wagi na, ay may labis namang kasiyahan ang dulot... Maari din namang nag-wagi ka ngunit may kapalit namang mahahalagang bagay na kinakailangan mong isakripisyo...
Para sa akin, kung saan ka masaya at kung ano ang gusto mo ay yun ang gawin mo, hangga't wala kang ginagawang masama o hinde ka nakakapinsala at alam mong wala kang inaagrabyado, maaring nasa tamang lugar ka... Pilitin mong maabot ang mga gusto mo at sa oras na makuha mo ang iyong minimithi kahit sa simpleng bagay ay may labis kang kasiyahan na madarama at maari mong sabihin na ikaw ay nag-wagi...