LP #7: Umaapoy
Magandang araw po ulit nang Huwebes sa lahat... Araw na naman nang paglahok sa Litratong Pinoy... At sa Linggong ito ang tema ay tungkol sa mga Umaapoy... Medyo madali-dali ang aking paglahok sa ngayon sa kadahilanang may mga likhang kuha narin ako ng mga ganitong nilalarawan... Ang iba ay noong nakaraang taon pa at ang iba naman ay nito lamang mga nakalipas na araw... Ito po ang ilan sa aking mga napiling ilahok sa ngayong tema...
Laro sa Baga
Hindi po ito yung inyong nababasa sa Liwayway, pinangalanan ko po lamang syang Laro sa Bagos sa kadahilanang tila mo naglalaro ang apoy na ito sa ibabaw nang nagbabagang uling...
Ilaw at Apoy
Ito naman po ay ang aking kuha noong nakaraang undas at ako ay nage-eksperimento at sabay na nilalaro ang maliit na ilaw sa likuran nang nag-aapoy na kandila... Medyo hindi lang po gaanong maganda ang pagkakaguhit ng ilaw, ngunit gayon pa man ay nagbigay parin ito nang karagdagang konsepto...
Pang-Gatong
Ang kuha naman na ito ay noong huli kong bakasyon, habang inaantala ni Nanay ang mga balat ng baboy upang gawin sitsaron... Ito ay katam-tamang baga lamang ang kinakailangan upang hindi mabigla ang pagkaka-antala nang mga balat at upang hindi rin masunog ang mga ito... Kapansin-pansin din sa larawan ang mga abong papel na ginamit upang pag-apuyin ang kahoy na ipinang gatong... Ito pa yata yung listahan nang aking mga pinagkakautangan...

































14 comments:
May 15, 2008 11:32 AM
laro sa baga? bad yun! hehe! gaganda ng mga larawan mo! happy huwebes sau!
May 15, 2008 1:08 PM
lahat ng peechurs mo ang gaganda!
happy hottie hwebes!
May 15, 2008 1:29 PM
Sobrang "professional" naman ng iyong mga lahok, kapatid! Galing!
Happy Huwebes sa iyo!
May 15, 2008 1:57 PM
sa una mong picture parang sumasayaw ang apoy. ang galing!
ganda ng mga kuha mo!
=)
May 15, 2008 2:47 PM
ang gaganda ng lahok mo..lalo na yung huling larawan :)
May 15, 2008 3:45 PM
Ang gaganda ng litrato mo, as always.. lalo na ang pangatlo. =)
May 15, 2008 5:35 PM
nice shots! salamat sa pagbabahagi. malamang ay aabang abangan ko na ang mga lahok mo. :)
ang aking lahok:
http://manillapaper.com/2008/05/lp7-umaapoy/
May 15, 2008 6:53 PM
ang galing! sulit na sa paghihintay ng chicharon ni Nanay... buti na lang at wala ako sa listahan ng utang mo :)
gandang 'webes!
May 15, 2008 7:58 PM
love your photos, and how the fire had all these light effects!
May 15, 2008 10:56 PM
Magagandang lahok, salamat at pinakita mo saamin! Naalala ko ang pelikulang yan...
Maligayang huwebes!
May 16, 2008 1:31 AM
magandang araw ng biyernes, sensya na late ako, hehehe...
May 16, 2008 11:46 AM
ang iinit ng mga larawan mo.. talagang nag-aapoy! hehe.. mabuhay LP! :)
May 16, 2008 6:32 PM
MAtt, gusto ko yung ilaw at apoy picture mo... ang ganda ng effect.
May 17, 2008 4:49 AM
pinakamagandang lahok na nakita ko.. huwaw sabaw!!
ang husay husay!!
Post a Comment